CAVITE PNP, COMELEC KASADO NA SA BSKE 2023

CAVITE – PORMAL nang inilarga ng Cavite Police Provincial Office ang “Multi Agency Send Off Ceremony of Security Forces and Resources for the Barangay and Sanguniang Kabataan Elections 2023” na pangangasiwaan ng 2,200 manpower na titiyak sa seguridad at kapayapaan ng BSKE sa October 2023.

Sa isinagawang seremonya na dinaluhan ng Cavite PNP personnel, Phil Army, Coast Guards at Non Government Organization Force Multiplier, sinabi ni COMELEC Provincial Election Officer Atty. Mitzelle Veron Morales-Castro, na wala pang naitatalang election related incident sa Cavite dahil sa mahusay na pangangasiwa ng Cavite PNP.

Matapos ang simpleng seremonya, nagtungo sa mga nakalatag na checkpoints sina Atty Castro at Cavite Police Director Col Christopher Olazo upang personal na minonitor ang mga kaganapan.

Ayon kay Castro, magmula hatinggabi kahapon ay wala pa ring naiulat na paglabag sa gunban at election period at inaasahan umano nila na mapanatili ang ganito hanggang matapos ang BSKE.

Sinabi naman ni Olazo na handa ang PNP na manduhan ang 23 COMELEC Checkpoints sa lalawigan ng Cavite 24/7 at tiniyak na maibibigay nila ang kinakailangang serbisyo katuwang ang Multi Agency Security Force.

Handang handa na rin ang COMELEC sa gaganaping eleksyon sa Oktubre, mas pinaigting pa ang paghahanda para sa voters education at information campaign sa iba’t ibang Barangay para ipaalam sa mga botante ang kahalagahan ng eleksyon. MB