CAVITE POGO ISLAND SARADO NA

TULUYAN nang isinara ang Philippine offshore gaming operator (Pogo) hub na may sukat na 36-ektarya sa Island Cove sa Cavite ay bago pa man dumating ang Disyembre 31 na deadline na itinakda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa isang larawan, ipinakita ang isang tarpaulin na nakapaskil sa labas ng isang gusali ng Island Cove na may nakasulat na, “ISLAND COVE IS OFFICIALLY CLOSED as of Nov. 30, 2024.”

Ayon sa Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) itinuturing na ito pinakamalaking Pogo hub sa  bansa.

Noong nakaraang Oktubre, ipinangako ni Interior Secretary Jonvic Remulla ang pagsasara ng Island Cove sa Disyembre 15 habang iniutos naman ni Marcos ang pagsasara ng lahat ng POGO sa bansa sa pagtatapos ng 2024 sa kanyang ikatlong State of the Nation Address.

Mahigit sa 5000 manggagawa ang po­sibleng apektado sa pagsasara na ito.

SID SAMANIEGO