CAVITENYONG OFW SA AFGHANISTAN, KINILALA ANG KABAYANIHAN SA PAGSAGIP SA 2 KAPWA PINOY

ISANG  OFW sa Afghanistan ang nagpamalas ng katapangan at kabayanihan nang sunduin nito ang dalawang kapwa Pinoy na naipit sa gitna na kaguluhang nagaganap ngayon.

Kinilala ang OFW na si Elmer “Emong” Presa. Isang K9 Trainer sa bansang ito. Residente ng Brgy. 46, San Antonio, Cavite City.

Sa interview natin kay Emong via Messenger video call, sinabi niyang, “nakiusap ako sa mga Taliban na kung maaari ang masundo ko ang dalawang Pinoy na kaibigan ko kasi wala ng bumibiyaheng taxi lahat natatakot na sa mga Taliban”.

Pinayagan naman siya sa kanyang pakiusap kaya hindi na siya nag-aksaya pa ng oras. Matagumpay niyang nasundo ang dalawang Pinoy.”

“Masaya ako dahil nakaligtas na kami sa gulo. Maraming salamat sa Maylikha at hindi Niya kami pinabayaan”, dagdag pa ni Emong.

Nakaalis na ng Afghanistan si Emong at kasalukuyan ng nasa Doha, Qatar.

Si Emong ay 3 termino ding naglingkod bilang Konsehal sa Cavite City bago nakipagsapalaran sa Afghanistan bilang OFW. SID LUNA SAMANIEGO

86 thoughts on “CAVITENYONG OFW SA AFGHANISTAN, KINILALA ANG KABAYANIHAN SA PAGSAGIP SA 2 KAPWA PINOY”

Comments are closed.