CAVITEX-CALAX LINK SISIMULAN NA

SA DARATING na Oktubre 1 ay sisimulan na ang konstruksiyon ng CAVITEX-CALAX Link (CCLink) na may habang 1.3 kilometro at magdurugtong sa daang CAVITEX at CALAX.

Inaasahan ang magiging magandang epekto nito sa mahigit 20,000 motorista na dumadaan dito dahil mapabibilis nito ang biyahe sa pagitan ng Cavite at Laguna.

Inaabisuhan ang mga motorista na pansamantalang isasara ang ilang bahagi sa Centennial Road Kawit mula Oktubre 2024 hanggang Agosto 2025 upang matiyak ang kaligtasan ng bawat isa habang isinasagawa konstruksiyon.

Asahan ang mga sumusunod na lane closures:
Oktubre 1, 2024 – Agosto 31, 2025: One-lane closure sa magkabilang bound ng Centennial Road.

Oktubre 4, 2024 – Nobyembre 30, 2024: One-lane closure sa Covelandia Road (Cavite bound).

Oktubre 25, 2024 – Enero 31, 2025: One-lane closure sa Kawit Zeus Exit (Cavite bound).
SID SAMANIEGO