UMISKOR si Dean Wade ng 23 points at tumapos si Jarrett Allen na may 21 points at 12 rebounds upang tulungan ang short-handed Cleveland Cavaliers na malusutan ang 22-point, fourth-quarter deficit at gapiin ang bisitang Boston Celtics, 105-104, noong Martes ng gabi.
Naghabol ang Celtics ng isang puntos nang tawagan si Darius Garland ng Cleveland ng foul kay Jayson Tatum, may 0.7 segundo sa orasan, subalit kinuwestiyon ng Cavaliers ang tawag at binaligtad ito.
Ang kabiguan ay pumutol sa 11-game winning streak ng Boston at sa kanilang eight-game road winning streak.
Kinuha ng Cleveland ang 105-104 lead sa dunk ni Wade, may 19.1 segundo ang nalalabi. Na-outscore ng Cavaliers ang Celtics, 34-17, sa fourth.
Nagbuhos si Tatum ng 26 points at 13 rebounds. Nakakuha ang Celtics ng 24 points at 9 rebounds mula kay Kristaps Porzingis at 21 points kay Jaylen Brown.
Ang Cavaliers ay naglaro na wala si leading scorer Donovan Mitchell, na lumiban sa ikatlong sunod na laro dahil sa left knee bone bruise.
Si Mitchell ay may averages na 28.0 points, 5.4 rebounds at career-high 6.2 assists per game ngayong season.
Heat 118, Pistons 110
Nagposte si Jimmy Butler ng game-high 26 points at nagdagdag ng 8 assists at 6 rebounds upang pangunahan ang host Miami Heat sa panalo kontra Detroit Pistons.
Kumabig si Cade Cunningham ng 23 points at 8 assists para sa Pistons, na sa 9-52 ay tabla sa Washington Wizards para sa worst record sa NBA. Gumawa si Cunningham ng 30 points para sa Heat sa Opening Night.
Nakakuha rin ang Miami ng 18 points at 7 rebounds mula kay Bam Adebayo at umangat ang Heat sa 11-3 sa kanilang huling 14 laro. Nagdagdag si Terry Rozier ng 17 points at 7 assists, at nagtala si Caleb Martin ng 15 points mula sa bench.
Para sa Pistons, nagposte si Jalen Duren ng double-double na may 14 points at game-high 10 rebounds, at nag-ambag si reserve Simone Fontecchio ng 22 points, kabilang ang 5-of-12 shooting sa 3-pointers. Nalasap ng Detroit ang siyam na pagkatalo sa kanilang huling 10 games.
Naglaro ang Miami na wala sina second-leading scorer Tyler Herro at key reserve Kevin Love, na kapwa may foot injuries.
Hawks 116, Knicks 100
Nagsalansan si Jalen Johnson ng 26 points, 9 rebounds at 7 assists upang pangunahan ang bisitang Atlanta Hawks sa panalo laban sa undermanned New York Knicks.
Bumuslo si Johnson ng 12 of 17 shots mula sa floor upang mangailangan na lamang ng dalawang puntos para sa career high, na naitala sa 141-138 victory ng Atlanta kontra Oklahoma City Thunder noong Jan. 3.
Umiskor si De’Andre Hunter ng 22 points mula sa bench at nakakolekta si Dejounte Murray ng 21 points, 9 rebounds at 6 assists para sa Hawks, na pinutol ang two-game skid.
Nag-ambag si Atlanta’s Saddiq Bey ng 17 points at 9 rebounds at nagtala si Clint Capela ng 13 at 9, ayon sa pagkakasunod.