NAGBUHOS si Donovan Mitchell ng game-high 29 points at tumabla ang bisitang Cleveland Cavaliers sa Eastern Conference second round makaraang gapiin ang Boston Celtics, 118-94, sa Game 2 noong Huwebes ng gabi.
Gumawa si Mitchell ng 6 points sa halftime, subalit umiskor ng 16 sa third quarter at 7 sa fourth. Bumuslo siya ng 10 of 19 mula sa field, kabilang ang 5 of 7 mula sa 3-point territory. Tumipa si Mitchell ng game-high 33 points nang maitala ng Boston ang 120-95 panalo sa Game 1 noong Martes.
Abante ang Cleveland ng 12 puntos matapos ang tatlong quarters, at pinalobo ang kalamangan sa 25 matapos ang three-point play ni Caris LeVert, may 4:58 ang nalalabi. Inilabas ni Boston coach Joe Mazzulla ang kanyang starters sa puntong iyon.
Sa kabila na nasa foul trouble sa malaking bahagi ng second half, nagposte si Cleveland’s Evan Mobley ng 21 points, 10 rebounds at 5 assists. Umiskor din sina LeVert (21), Darius Garland (14), Isaac Okoro (12) at Max Strus (12) ng double figures para sa Cavaliers.
Tumapos si Jayson Tatum na may 25 points, 7 rebounds at 6 assists para sa Celtics, na bumuslo ng 8 of 35 mula sa 3-point territory. Nagdagdag si Jaylen Brown ng 19 points para sa Boston, subalit 0 for 6 sa 3-pointers.
Lilipat ang serye sa Cleveland para sa Game 3 sa Sabado.
Naglaro ang Celtics na wala si center Kristaps Porzingis dahil sa right calf injury.
Mavericks 119,
Thunder 110
Kumana sina Luka Doncic at P.J. Washington ng tig-29 points upang pangunahan ang Dallas Mavericks sa panalo kontra host Oklahoma City Thunder at itabla ang kanilang Western Conference semifinal series sa 1-1.
Nagsalpak ang Mavericks ng 18 3-pointers, ang kanilang highest total sa 2024 postseason.
Nagdagdag si Doncic ng 10 rebounds at 7 assists kung saan bumawi siya mula sa shooting struggles sa pagtala ng 11 of 21 mula sa floor, kabilang ang 5 of 8 mula sa 3-point range.
Ang 29 points ni Washington ay playoff career high, kung saan naipasok niya ang 7 sa 11 3-point attempts at nagdagdag ng 11 rebounds bago na-foul out sa fourth.
Nanguna si Shai Gilgeous-Alexander para sa Thunder na may 33 points sa 13-of-24 shooting, at nagdagdag siya ng 12 rebounds at 8 assists. Nagtala si Jalen Williams ng 20 points.
Lilipat ang serye sa Dallas para sa Game 3 sa Sabado at Game 4 sa Lunes.