CAVS RATSADA SA IKA-12 SUNOD NA PANALO

NAGPASABOG si Darius Garland ng 40 points at humabol ang Cleveland Cavaliers upang pataubin ang Toronto Raptors, 132-126, at hilahin ang kanilang unbeaten streak sa 12 games noong Huwebes.

Isang araw matapos ang panalo kontra Western Conference-leading Oklahoma City Thunder, tila malalasap ng Cavs ang malaking upset makaraang iposte ng Raptors ang 12-point lead sa third quarter.

Subalit nanalasa si Garland upang ibalik ang Cavs sa laro at isang lopsided 34-23 fourth quarter ang nagselyo sa panalo para sa Eastern Conference leaders.

Tumapos si Garland na may 40 points mula sa 14-of-22 shooting — 14 points mula sa fourth quarter.

Batid ni Cavaliers coach Kenny Atkinson ang laki ng kontribusyon ni Garland sa Cleveland, na nangunguna sa standings na may 33-4 record, anim na laro ang agwat sa reigning champion Boston Celtics.

“He carried us,” wika ni Atkinson hinggil sa nilaro ni Garland. “This is the first game all year where I felt like one guy carried us.

“We weren’t good but he single-handedly took over this game.”

Sinabi ni Atkinson na ang performance ni Garland ay patunay lamang kung bakit sigurado na siya sa All-Star game sa susunod na buwan.

“I respect the league but he’s got to be in that top, All-Star tier. He’s phenomenal. He completely took over the game and carried us.”

Sa iba pang NBA games noong Huwebes, naitakas ng injury-hit Dallas Mavericks ang 117-111 panalo laban sa Portland Trail Blazers sa Dallas.

Orlando, tumapos si Julius Randle na may 23 points at nagdagdag si Anthony Edwards ng 21 nang dispatsahin ng Minnesota Timberwolves ang Orlando Magic, 104-89.

Sa Detroit, ginapi ng Golden State Warriors ang Pistons, 107-104.

Nanguna si Buddy Hield para sa Warriors na may 19 points habang tumapos si Stephen Curry na may 17 matapos ang uncharacteristically wayward shooting performance mula sa long-range.

Naipasok lamang ni Curry ang lima sa 21 tira mula sa field, kabilang ang dalawa sa 14 attempted three-pointers.

Sa Los Angeles, ipinagpaliban ang home game ng Lakers kontra Charlotte Hornets dahil sa raging wildfires sa lungsod.

“We’re heartbroken for Los Angeles,” pahayag ng Lakers sa isang statement sa kanilang website.

“Our thoughts are with all those impacted by this unimaginable situation.

“And our gratitude is with the first responders and all of you who come together when we need each other the most. Tonight’s game will be rescheduled to focus on what matters most today.”

Kabilang si Lakers head coach J.J. Redick sa libo-libong naapektuhan ng wildfires matapos matupok ng apoy ang kanyang bahay sa Pacific Palisades.