CAVS VS CELTICS SA EAST S’FINALS

NAGBUHOS si Donovan Mitchell ng 39 points upang pangunahan ang host Cleveland Cavaliers sa pagmartsa sa Eastern Conference semifinals sa pamamagitan ng 106-94 panalo kontra  Orlando Magic sa Game 7 ng kanilang first-round series noong Linggo.

Naipasok ni Mitchell, umiskor ng 17 points sa third quarter, ang 15 sa 17 free-throw attempts at nagdagdag ng 9 rebounds at 5 assists. Ang kanyang mainit na performance ay kasunod ng 50-point effort sa 103-96 loss ng Cleveland sa Orlando noong Biyernes.

Gumawa si Caris LeVert ng 15 points off mula sa bench at nagdagdag si Max Strus ng 13 para sa fourth-seeded Cavaliers, na nalusutan ang 18-point deficit upang maitala ang kanilang ika-4 na panalo sa home sa series.

Bibisitahin ng Cleveland, na naiposte ang kanilang unang playoff series win sa loob ng anim na taon, ang top-seeded Boston Celtics sa Game 1 ng conference semifinals sa Martes. Ang Celtics ay nagwagi sa dalawa sa tatlong paghaharap sa regular season.

“We can be better,” pahayag ni Mitchell sa postgame. “I hate to be that guy. This was a great win, great series, great test for us mentally and physically. But we can — and will have to be — better to beat Boston. No disrespect to Orlando because they are phenomenal team with a lot of great guys. I feel that this is big for us as a group, but we really don’t have time to celebrate.”

Nagwagi ang Cavaliers sa kabila ng pagliban ni All-Star center Jarrett Allen (rib contusion) sa ikatlong sunod na laro.

Nakakolekta si Orlando’s Paolo Banchero ng 38 points at  16 rebounds habang naglalaro sa kanyang unang career Game 7.

Umiskor si Wendell Carter Jr. ng 13 points at kumabig si Jalen Suggs ng 10 points at 9 rebounds para sa fifth-seeded Magic, na gumawa lamang ng  15 points sa  third quarter.

Ipinasok ni Franz Wagner ang isa lamang sa 15 shots upang tumapos na may 6 points habang naharap sa maagang  foul trouble para sa Magic.

Natapyas ng Cavaliers ang 18-point deficit sa 10 sa halftime bago pumutok si Mitchell ng 17 sa third quarter, tampok ang driving layup upang bigyan ang Cleveland ng 68-66 lead, may 3:08 ang nalalabi. Sumagot si Suggs ng pares ng free throws bago isinalpak ni Strus ang back-to-back 3-pointers.

Bumuslo sina Mitchell at Darius Garland ng tig-isang 3-pointer upang palobohin ang kalamangan ng Cavaliers sa 88-77, may 5:53 ang nalalabi sa fourth quarter. Tinapyas ng Magic ang kanilang  deficit sa pito bago ipinasok ni Garland ang pares ng free throws at isang short jumper.

“That’s what special players do when it matters most,” wika ni Cleveland coach J.B. Bickerstaff patungkol kay  Mitchell. “… (We) just continued to watch the lead chip away. We’ll go back and think about it more a little later, but he was special when he needed to be.”

Umiskor ang Orlando ng 13 at siyam na sunod na puntos sa magkahiwalay na pagkakataon upang kunin ang 33-18 lead sa kaagahan ng second quarter. Pinalobo ng Magic ang kalamangan ng hanggang 18 sa 47-29 kasunod ng 3-pointer ni Gary Harris bago sumagot ang Cavaliers ng 14-6 run upang tapusin ang half.

“They went on a heck of a run,” Magic coach Jamahl Mosley said of the Cavs. “I think they did a great job of forcing tough shots. Those tough shots and long shots led to runouts. We got stagnant a little bit (but) we found something that worked. Then we missed a couple shots and they were able to get out and run. Donovan got downhill quite a bit, similar to last game.”