SI Cayetano Simplicio Arellano y Lonzón ang kauna-unahang Chief Justice ng Korte Suprema ng Pilipinas sa ilalim ng American Civil Government. May mataas na katungkulan din siya sa gobyerno ni Emilio Aguinaldo. Nagtrabaho siya sa mga Americano sa ilalim ni General Otis at muling nagtatag ng Audiencia Territorial bilang Supreme Court. Nagsilbi siyang Chief Justice mula 1901 hanggang mag-retire noong April 12, 1920, kaya siya masasabing nagsilbi ng pinakamatagal bilang chief justice sa kasaysayan ng Pilipinas.
Noong 1970, nagtayo ng historical marker para kay Cayetano sa kanyang birthplace. Isinilang si Don Cayetano sa Udyong (Orion na ngayon), Bataan. Anak siya nina Servando Arellano, isang Kastila at Crispora Lonzón. Naging working student siya sa Colegio de San Juan de Letran, at nang makatapos ng high school ay lumipat siya sa University of Santo Tomas, kung saan nakatapos siya ng Bachelor of Philosophy noong 1862 at Bachelor of Theology noong 1867, at pagkatapos ay ipinagpatuloy niya ang pag-aaral ng abugasya hanggang sa matapos niya ito noong 1876. Sa panahon ng Kastila, na-appoint siyang Magistrado Suplente of the Audiencia Tribunal de Manila. Di naglaon, naging Chief Justice of the Provisional Supreme Court siya na itinatag noong 1899.
Si Arellano, kasama sina Pedro Paterno, Benito Legarda, Florentino Torres at Felipe Buencamino, at tumestigo sa Schurman Commission na ang Pilipinas ay hindi pa handang magsarili. Magkakasama nilang binuo ang Federal Party upang “promote the annexation of the Philippines as a state”. Nagpetisyon sila sa U.S. Congress upang makagawa ng representasyon, Philippine Congress at federal Court.
Nang magsimula ang American civil government sa bansa noong 1901, itinalaga siya ni US President William McKinley bilang kauna-unahang Supreme Court Chief Justice. Isinilang siya noong March 2, 1847 at namatay noong December 23, 1920. — LEANNE SPHERE