CAYETANO NAGPA-ABOLISH SA KAFALA SYSTEM NA TINIK SA MGA OFW

MASAlamin

ANG Kingdom of Saudi Arabia ang isa sa mga Middle East countries na may pinakamaraming Filipino migrant workers. Sa huling bilang ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong December 2019, nasa 865,121 Filipino migrant workers ang nasa KSA.

Ganito karami ang nabigyang proteksiyon ng pamahalaan sa matagumpay nitong pakikipaglaban sa United Nations at iba pang international fora para maalis na ang Kafala (visa sponsorship) system sa Saudi.

Inanunsiyo ng Saudi government na simula Marso 2021 ay tatanggalin na ang Kafala system.

Ibig sabihin nito, ang mga non-Saudis ay maaari nang umalis,magbago ng kanilang trabaho at bumiyahe nang walang pahintulot ng employer – iba na mula sa dating sistema na ang employer ay kinukumpiska ang mga passport at hindi pinapasahod ang mga migrant workers at kinakasuhan kapag umalis sa employer nang walang paalam.

Tinuring ng International Organization for Migration in the Philippines ang bagong labor inititiative ng Saudi Arabian Government bilang “game-changer in terms of worker protection” at partikular nitong kinilala ang pagpupursige ng Department of Foreign Affairs(DFA) na maiayos ang kalagayan ng mga OFW sa ibayong dagat.

Taong 2017 nang pasimulan ni dating Foreign Affairs Secretary at ngayon ay Taguig Rep Alan Peter Cayetano ang laban sa pag-abolish ng Kafala system. Makalipas ang 3 taon ay nakamit ng pamahaaan ang tagumpay sa laban na ito para sa kaligtasan ng mga manggagawang Filipino.

Nang umalis si Cayetano sa DFA noong 2018 ay ginawaran sya ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Order of Sikatuna na may ranggong Datu dahil sa kanyang “outstading and dedicated service” bilang Kalihim ng DFA.

Deserving si Cayetano sa nasabing pagkilala dahil tunay naman na hindi matatawaran ang nagawa nya sa DFA lalo na ang maraming pograma na pro-OFWs.

Maliban sa paglaban sa Kafala system, napataas ang pondo para sa Assistance to Nationals (ATN) Fund na mula sa P400M ay ginawang P1 Billion na isinulong ni Cayetano kay Pangulong Rodrigo Dutterte at Legal Assistance Fund (LAF)na mula P100M ay naging P200M.

Mula nang madagdagan ang pondo sa ATN ay agad na natulungan ng DFA ang 14,995 na distressed OFWs at 685 migrant workers na may kinahaharap na kaso ang nabigyan ng legal assistance sa ilalim ng pamumuno ni Cayetano sa DFA. Binago ni Cayetano ang mga lumang patakaran at pamamaraan para maparami at mapabilis ang mga tulong para sa mga OFW. Kaya nga maging ang mga nastranded na OFWs dahil sa bagyo o aksidente ay nabigyan noon ng financial assistance habang naghihintay ng kanilang biyahe.

Sa rami ng mga proOFW accomplishments ni Cayetano sa DFA ay hindi nakapagtataka kung bakit isinulong din nya sa Kamara nang sya ay maging House Speaker ang pagpasa sa panukalang pagtatatag ng Department of OFW(DOFW), ang ahensiyang tututok sa sektor ng mga OFW.

Marso 2020 nang ipasa sa Third and Final Reading ng Kamara ang pagbuo ng Department of OFW na inakda ni Cayetano subalit nanatili itong nakabinbin sa Senado.

Napagbuti at naging mabilis ang pagkuha ng passport dahil sa inilunsad na Passport on Wheels at pagbubukas ng consular offices sa Ilocos Norte, Isabela, Laguna, Bulacan, Cavite, Rizal, Davao del Norte, Misamis Occidental at Tarlac. Kung ating aalalahin, sa loob ng 1 at kalahing taon ni Cayetano sa DFA ay napahusay ang pagpoproseso ng passport, mula sa dating 9,500 pasaporte na naipo-proseso kada araw ay napataas ito sa 20,000 pasaporte kada araw.

Niresolba rin ang isyu sa pekeng passport appointment nang ilunsad ni Cayetano ang epayment system. Tumaas ang show-up rate ng mga aplikante mula 65 porsiyento ay naging 95 porsiyento.

Naisama sa courtesy lane ang senior citizens at isa nilang kamaganak, mga taong may kapansanan at isa nilang kaanak, mga batang edad pito pababa, ang kanilang mga magulang at menor de edad na kapatid, mga buntis, nagbabalik na overseas Filipino workers (OFWs), gayundin ang solo parents at kajnilang menor de edad na mga anak.

Sa ilalim din ng panunungkulan ni Cayetano naipatupad ang 10 year validity ng Philippine passport

Comments are closed.