SA MGA pangalang lumulutang para maging lider ng Karama de Representantes, si Congressman-elect Alan Peter Cayetano ang pinaka-karapat-dapat at may kakayanan, batay sa mga pagsusuri.
Ito ay dahil kahit noon pa man ay subok na rin ng panahon, napatunayan na ni Cayetano kay President Rodrigo Duterte na may kakayanan na gampanan ang trabaho at kaya niya itong tapusin na may malinaw at maayos na resulta.
Kagaya na lamang noong 2016, naibigay ni Cayetano ang napakalaking boto ng noo’y Davao mayor sa resulta ng presidential election sa Taguig, ang bailiwick ng mga Cayetano, kumpara sa mga nakalabang kandidato.
Tatlong taon ang nakalipas, ang mga kandidato naman ng Hugpong ng Pagbabago na binuo ng Presidential daughter na si Sara ang nanguna sa Senate race sa Taguig.
Sa character ni Cayetano, napatunayan na rin niya ang sensiridad sa pagsilbi sa bayan.
Nagpatuloy si Cayetano na ipatupad ang good governance sa pamahalaan at itakwil ang corruption bilang congressman at senator.
Hinarap din ng buong tapang ni Ca yetano ang mga maimpluwensiyang tao at inimbestigahan at isiniwalat niya ang mga ma-anomalyang transaksiyon sa pamahalaan man o pribadong sektor.
Ang patunay nito, hindi nadawit ang pangalan ni Cayetano sa kahit na anong kontrobersya kasama na ang sinasabing nagaganap na vote-buying scheme umano sa House of Representatives.
Sa larangan naman ng kakayanan at experience, walang duda na si Cayetano ang nangunguna sa lahat ng mga nagnanais na maging Speaker.
Ang incoming Taguig congressman, na nanalo sa pamamagitan ng landslide noong May 13 polls, ay may malawak na experience sa parehong local at national politics.
Si Cayetano ay nagdaan bilang konsehal, vice mayor, at three-time congressman. Siya rin ay naging two-time senator ng bansa.
Mabisa siya bilang tulay sa pagitan ng House at ng Senado na siguradong mas mapapabilis ang pagpapatupad ng mga plano at mithiin ng administrasyon para sa ikagaganda ng bansa.
Si Cayetano ay naging myembro na rin ng Gabinete at ang pinakahuli ay kalihim ng Department of Foreign Affairs , na ibig sabihin ay mayroon siyang link sa pagitan ng legislative at executive branches ng gobyerno. PILIPINO Mirror Reportorial Team