UMAASA si dating Speaker Alan Peter Cayetano na magkakaroon ng ‘snowball of support’ para sa kanyang isinusulong at ng mga kasamang kongresista sa Back To Service na P10K Ayuda Bill sa Kamara.
Ito ay matapos na magpahayag ng suporta sa naturang panukala si Parañaque 2nd District Rep. Eric Olivares. Sa panayam ng DZRJ, sinabi ni Olivares na ‘full support’ siya sa P10K Ayuda Bill ni Cayetano dahil kailangan ito ng sambayanang Filipino.
“Kung kaya ng budget bakit hindi para sa mga nangangailanan, kung kaya ng appropriation na i-budget po ‘yon para sa nangangailangan full support tayo doon kung kaya ng budget’’, ani Olivares.
Lubos naman ang pagpapasalamat ni Cayetano kay Olivares at sa iba pang mga kongresista na, aniya, ay payag at sumusuporta rin sa P10K Ayuda Bill.
“May consensus naman talaga ang buong Filipinas na kailangan ng P10K ayuda ang mga Filipino at ito’y mabuti sa ekonomiya at ito ay mabuti sa pamilya,” giit ni Cayetano.
Nakiusap din si Cayetano sa mga kapwa kongresista na bilisan ang aksiyon at suporta sa P10K Ayuda Bill upang maibigay agad ito sa mga nangangailangan lalo na ang mga pamilyang nawalan ng kabuhayan at inilugmok ng pandemyang COVID-19.
Mahalaga, aniya, na maikasa na ang P10K ayuda upang agad na maaksiyunan ang pagbibigay ng iba pang stimulus package para sa ibang sector ng lipunan.
‘’Kaya pakiusap ko sa lahat ng kongresista na gawin nating mabilis at i-explain natin sa Malakanyang na may pera naman at agad-agad na ‘yung P10K ay maibigay at agada-agad na isunod naman ang iba pang stimulus gaya ng health, agriculture, tourism, education, at kabuhayan.’’
Ang P10K Ayuda Bill ay inihain ni Cayetano at ng kanyang mga kaalyado noong February 2021. Sa halip na ito ay talakayin ay isinama ito sa pagtalakay sa Bayanihan 3 ngunit ‘di rin nabigyab ng halaga dahil mas isinulong pa ng Kamara ang pagbibigay ng P1K sa bawat Filipino.
Ito ay mariin namang tinutulan ni Cayetano dahil hindi, aniya, limos ang kailangan ng mga tao sa kasalukuyan.
’’Extraordinary times need extraordinary measures. Hindi po limos ang kailangan ng mga Pilipino sa ngayon’’, ayon pa sa dating speaker.
Nauna rito ay nanawagan si Cayetano sa mga tao na pakiusapan at ligawan ang kanilang mga kongresista na sumuporta sa P10K Ayuda Bill.
Aniya, alam nya ang damdamin ng mga kasama sa Kongreso tungkol sa naturang panukala. ‘’Alam ko naman ang damdamin ng mga kongresista at payag rin sila.”
Noong Mayo 1, Araw ng Paggawa, ay inilunsad ni Cayetano at ng kanyang grupo ang Sampung Libong Pag-asa kung saan mahigit 200 benepisyaryo ang nakatanggap ng P10K ayuda mula sa kanilang sariling pagsisikap. Ito ay upang mahikayat ang Kamara na aksiyunan na ang panukala upang makatulong sa maraming pamilyang Filipino na makapag-umpisa ng maliit na kabuhayan at makabangon paunti-unti mula sa pagkakalugmok dulot ng COVID-19.
721507 253812Hey, you used to write great, but the last couple of posts have been kinda boringK I miss your super writings. Past several posts are just just a little bit out of track! come on! 673323
982592 627646Hello! Ive been following your weblog for a although now and lastly got the courage to go ahead and give you a shout out from Kingwood Texas! Just wanted to mention maintain up the very good function! 534353
300971 884750You need to take part in a contest for among the top blogs on the web. I will suggest this web internet site! 223018
40806 604065If youre needing to produce alteration in an individuals llife, during i would say the Are usually Bodyweight peeling off pounds training course are a wide path inside the direction of gaining any search. la weight loss 543629