CBCP HINDI MAGDIDIKTA NG NAPUPUSUANG KANDIDATO SA KASAPI

Bishop Pablo Virgilio David-2

NAGPAHAYAG na ang Simbahang Katoliko na hindi magdidikta sa kanilang mga kasapi sa kung sino ang nais nilang ibotong kandidato sa Eleksiyon 2022.

Ayon kay Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) President Caloocan Bishop Pablo Virgilio David na hindi sila ang magdedesisyon para sa mga mananampalataya at sa halip ay magbibigay gabay lamang sa desisyong batay sa konsensiya at base sa tamang impormasyon.

Dagdag pa ni Bishop David na desisyon ng bawat isa ang pag-endorso ng kandidato subalit bilang Kristiyano ay kailangang sundin ang prinsipyo ng pagpapahalaga sa katotohanan, kalayaan at katarungan

Diin pa ni Bishop David hindi nila pipigilan ang sinuman pari na aktibong sumuporta sa sinumang kandidato pero hindi dapat gamitin ang pulpito sa pangangampanya dahil para lamang ito sa paghahayag ng mabuting balita.

Marami naman aniyang venue o lugar para sa pangangampanya at pagganap ng tungkulin bilang mamamayan. Jeff Gallos