CBCP, MAY BAGONG PANGULO NA

NAHALAL si Kalookan Bishop Pablo Virgilio David bilang bagong pangulo ng maimpluwensiyang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), sa isinagawang dalawang araw na virtual plenary assembly ng mga obispo na sinimulan kahapon, Hulyo 8, at magtatagal hanggang ngayong araw, Hulyo 9.

Si David, 62, na kasalukuyang vice president ng CBCP at nanilbihan ng apat na taon o dalawang termino, ang papalit kay outgoing CBCP President at Davao Archbishop Romulo Valles, na nakatapos na rin ng dalawang termino.

Kilala ang obispo bilang ‘Bible scholar’ ng bansa kung saan pinamunuan na rin nito ang Biblical Apostolate Commission ng CBCP at aktibo sa pagsusulong ng mga programa sa munting pamayanan sa kanyang diocese kabilang na ang pagtatatag ng mga mission station.

Taong 2006 nang italaga si Bishop David bilang katuwang na obispo ng Archdiocese of San Fernando, Pampanga habang 2016 nang maitalagang pinunong pastol ng Kalookan.

Aktibo ang obispo sa pagtataguyod sa dignidad ng mamamayan at pagtatanggol sa karapatang pantao lalo na sa gitna ng madugong war on drugs ng kasalukuyang administrasyon.

Si Bishop David ay isa rin sa limang obispo na dumalo sa Synod of Bishops on the Word of God na ginanap sa Vatican noong 2008.

Regular ding mapakikinggan ang obispo sa Radio Veritas sa kanyang monthly pastoral visit on the air sa programang Barangay Simbayanan.

Samantala, hinirang naman na Vice President ng CBCP si Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara, 58, na kasalukuyang kasapi ng CBCP Permanent Council.

Si Bishop Vergara ay naging pangulo ng Radio Veritas 846 noong 2002 hanggang 2005 bago italagang obispo ng San Jose, Nueva Ecija. 2011 naman ng hirangin si Bishop Vergara bilang obispo ng Pasig.

Ang mga bagong opisyal ng CBCP ay pormal na maglilingkod sa Disyembre 1, 2021 at mamumuno sa susunod na dalawang taon. Ana Rosario Hernandez

4 thoughts on “CBCP, MAY BAGONG PANGULO NA”

  1. 316753 442523excellent work Superb weblog here! Also your web website a whole lot up quickly! What internet host are you the usage of? Can I get your associate link on your host? I want my website loaded up as quick as yours lol 896684

Leave a Reply

Your email address will not be published.