CBCP NAGPASALAMAT SA PAGBABALIK SA BALANGIGA BELLS

BALANGIGA BELLS-2

NAGPAHAYAG ng pag-asa ang mga lider ng Catholic church sa Filipinas na tuluyan nang maibabalik  ang Balangiga bells, na kinuha ng mga sundalong Amerikano noong 1901.

Ayon kay Borongan Bishop Crispin Varquez, nararapat lamang na maibalik sa Simbahan ang mga naturang kampana dahil ito ay pag-aari ng St. Lawrence Church sa Balangiga.

Sinabi ni Varquez na bagamat wala pang nakipag-ugnayan sa Diyosesis hinggil sa pagbabalik ng Balangiga, ngayon pa lamang ay nagpapasalamat na sila sa mga taong nagtulong-tulong sa pag-apela sa pamahalaan ng Estados Unidos upang mabawi ang nasa-bing mga kampana.

“I hope nga tunay ito, sana ibalik nila and then we will be very happy sa desisyon ng America kasi it belongs to the Church so it must be returned to the Church,” ani Varquez, sa panayam ng church-run Radio Veritas.

Ibinahagi ni Varquez na binuo ng diyosesis ang Committee on Balangiga Bells na nakatutok sa pagbawi sa mga kampana bilang simbolo ng pagwawagi ng mga ito sa digmaan.

Samantala, sinabi rin  ni Monsignor Pedro Quitorio III, na siyang namumuno sa Diocesan Committee on Balan­giga Bells, na wala pang kumpirmasyon sa kanila kung maibabalik na nga bang tuluyan ang mga naturang kampana.

Kung totoo aniya ito, ito ay isang welcome development para sa Simbahan.

“If that is true that is a very welcome development napakaganda po niyan,” aniya. ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.