TULAD ni Education Secretary Leonor Briones, sang-ayon din ang isang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) official sa panukalang ‘no homework bill’ na isinusulong ngayon sa Kongreso.
Ayon kay San Jose, Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari, chairman ng Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education, ng CBCP, nararapat lamang na mabigyan ang mga estudyante ng quality time kasama ang kanilang mga pamilya.
Sinabi ng obispo na mahalagang balanse rin ang academic at family life ng mga estudyante upang maging ‘holistic’ ang development ng mga ito.
“Schools should design academic and non-academic program schedules in a way that will not affect family time, and that includes no assignments on weekends,” paliwanag ng obispo, sa website ng CBCP. “Academic life is necessary to propel success and a good future for young people. But there are certain limits that school dynamics needs to understand and widely consider,” aniya pa.
“Family life is sacred as it creates opportunities for children and their parents to do things together in the name of holiness, such as sharing stories, playing, celebrating occasions, and attending church, among others,” dagdag pa ng CBCP official.
Dapat rin aniyang ma-realize ng mga paaralan na ang development ng mga bata ay hindi lamang limitado sa labis-labis na oras sa kanilang academics at mga kahalintulad na aktibidad.
“Learning is not purely academic. Value formation is a central point. And value formation happens significantly at home as the students learn and realize to be more giving, collaborative, and live a life with Jesus and Mary,” aniya pa.
Una na rin namang pinaboran ni Education Secretary Leonor Briones ang naturang panukala, na isinusulong nina Deputy Speaker Evelina Escudero at Quezon City Rep. Alfred Vargas, upang mabigyan ng quality time ang mga bata at kanilang mga magulang at kaibigan. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.