CBCP SINUPORTAHAN ANG DESISYON NG SC SA PAGBASURA SA SAME-SEX MARRIAGE

Marcelino Antonio Maralit

NAGPAHAYAG  ng suporta ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa desisyon ng Korte Suprema laban sa same-sex marriage.

Ayon kay Diocese of Boac Bishop Marcelino Antonio Maralit, Jr., member ng CBCP- Episcopal Commission on Family and Life, naaayon lamang sa Saligang Batas ang naging pasya ng Kor­te Suprema na isantabi ang petisyon na gawing legal ang same-sex marriage.

Nauna rito, naghain ng petisyon sa Korte Suprema si Jesus Falcis III noong 2015, na nagsasabing hindi lamang dapat limitahan sa kasarian na lalaki at babae ang pagpapakasal.

“Well, I believe the decision made by the Supreme Court to dismiss such petition is in every sense lawful, because it was just simply in defense of what is in the constitution- that marriage is between a man and a woman,” bahagi ng pahayag ni Bishop Maralit sa pana­yam ng church-run Radyo Veritas.

Sa usapin naman ng Sexual Orientation and Gender Identity and Expression Equality (SOGIE) Bill, sinabi ng Obispo na lumalabas na hindi na lamang ito pakikipaglaban para sa karapatan kundi para na sa pansariling interes ng LGBT community.

Ayon kay Maralit, kagustuhan na lamang ng LGBT ang mamamayani sa pagsasabatas ng SOGIE Bill at hindi na ang tunay na pagkakapantay-pantay ng bawat mamamayan o ng mga kasarian.

“Now, the issue of the SOGIE bill is another thing. Because there is a strengthening of the opinion of so many Filipinos, not only Catholics, especially women who see that the issue has already gone beyond LGBTQ+ rights and has become more an issue of what some of them desire and want, and not anymore about real rights. In other words, preferential treatment rather than equal in detriment or in discrimination of others. Thus, in many of its details it is contradictory to what it claims to be – a bill for Gender Equality,” ayon pa sa Obispo.

Naniniwala si Bishop Maralit na sa kabila ng mga nais isabatas ng mga tao, natatangi pa rin at nangingibabaw sa lahat ang Divine Law o ang batas ng Diyos na nagtataguyod sa integridad, moralidad at kasagraduhan ng bawat buhay at kasariang ipinagkaloob ng Panginoon sa bawat tao. ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.