CALOOCAN CITY- IPINAHAYAG ni Mayor Oca Malapitan na bukas nang muli at handa nang magbigay nang ligtas at maayos na serbisyong medikal ang Caloocan City Medical Center (CCMC) South sa lungsod.
Aniya, matapos ang masusing paglilinis at pag-sanitize ng bawat sulok at pasilidad ng ospital, ang mga medical staff sa CCMC ay handa na muling tumugon sa pangangailangang medikal ng mga mamamayan ng lungsod.
Nagpapasalamat si Mayor Oca sa pamunuan at mga kawani ng CCMC, gayundin sa mga Disinfection Team na naging katuwang sa isinagawang decontamination.
Nauna rito, pansamantalang isinara sa loob ng isang linggo ang CCMC South kasama ang Emergencey Room para bigyan daan ang isasagawang masusing decontamination matapos may ilang medical staff ang nagpositibo sa COVID-19. EVELYN GARCIA
Comments are closed.