CCTV ORDINANCE PAIIGTINGIN SA QC

Director-Chief-Supt-Joselito-Esquivel-Jr

PINAALALAHANAN ng Quezon City Police District (QCPD) sa pamumuno ni Director Chief Supt. Joselito Esquivel Jr., ang mga nagmamay-ari ng ilang business establishment sa Quezon City hinggil sa implementasyon ng ordinansa na installation ng Closed Circuit Television (CCTV) system sa kanilang mga establisimiyento.

Ayon kay Esquivel, alinsunod sa QC Ordinance No. 2695 Series of 2018, amended Ordinance No. SP-2139, Series of 2012,  dapat ay mayroong CCTV sa bawat  business establishments na nag-o-operate sa buong territorial jurisdiction ng lungsod at ang susuway ay maaaring patawan ng penalties.

Sa ilalim ng Section 3 ng nasabing  ordinansa, ito ay upang magkaroon ng video recordings at marapat ding itabi ng mga may-ari ng naturang establisimiyento ang kanilang mga recording upang sakali man na magkaroon ng aberya lalo na sa krimen ay magagamit ito sa mga gaga­wing imbestigasyon.

Sa ilalim naman ng  Section 6 o ang  monitoring at access ng mga  recording, kung ang isang krimen ay nagkataong nahagip ng mga CCTV sa lugar, ang ope­rator o mismong may-ari ng establisimiyento ang dapat tumawag sa mga police station at ibigay sa mga pulis o imbestigador ang record ng naganap na krimen.

Sa paglalagay naman ng mga CCTV, tandaan na dapat madalas itong mino-monitor upang mabilis makatawag ng tulong sa pulisya sakali man na may maganap na krimen.

Ang susuway umano sa nasabing ordinansa ay pagmumultahin ng P5,000 at posibleng hindi na mabigyan ng business permit o permit to operate.    PAULA ANTOLIN

Comments are closed.