LAGUNA – DEAD on the spot ang 50-anyos na CCTV Technician matapos tambangan at pagbabarilin hanggang sa mapatay ng nag-iisang armadong salarin sa tapat ng isang restaurant na nasa gilid ng national hi-way, Brgy. Halang, lungsod ng Calamba, kahapon ng umaga.
Batay sa ulat ni PLt. Col. Jacinto Malinao Jr., hepe ng pulisya, nakilala ang biktimang si Rogelio Dominguez, empleyado ng CASSID Corporation, Villa Palao, Brgy. Mamatid, Cabuyao, City, pansamantalang naninirahan sa bayan ng Victoria, Laguna.
Sa imbestigasyon, bandang alas-7:45 ng umaga habang naglalakad ang biktima sa lugar nang tambangan at malapitang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek saka mabilisang tumakas patungo ng kabayanan.
Agarang binawian ng buhay ang biktima bunsod ng tinamong mga tama ng bala sa kanyang katawan.
Kaugnay nito, patuloy na kinikilala at nagsasagawa ng follow-up operation ang pulisya para sa agarang ikadarakip ng suspek na responsable sa naganap na pananambang. DICK GARAY
Comments are closed.