MARIING iginiit ni House Ways and Means Community chairman, Albay 2nd District Rep. Joey Sarte Salceda na dapat maitatag agad ang Center for Disease Control (CDC) ng bansa bilang paghahanda sa lumalaganap na mga sakit gaya ng pandemyang Covid-19.
Ito ay bilang tugon sa babala mula sa US Center for Disease Control kaugnay sa maraming kaso ng “monkeypox” na lumilitaw sa maraming bahagi ng mundo na hindi naman nagpapakita ng karaniwang mga sintomas.
“Marami na tayong nakitang mga pabalita tungkol sa ‘monkeypox’ na tila hindi gaanong matindi at nakakapekto lamang sa ilang bahagi ng katawan. Kaiba ito sa ipinakikitang mga seryoso at malalang mga kaso ng mga malagapanap na impeksiyon nito sa mga bansa sa Kanlurang Sentral Africa,” pahayag ni Rochelle Walensky, pinuno ng US CDC.
Nitong nakaraang Hunyo 9, mga 1,300 dokumentadong kaso ng ‘monkeypox’ ang naitala na sa buong mundo. Wala pang kaso nito sa Pilipinas ngunit nagpalabas na ng babala at mga gabay ang Department of Health (DOH) kung paano ito maiiwasan at mapaghahandaan.
Sinabi nitong may darating pang mga ‘zoonotic’ o sakit mula sa mga hayop habang nawawala ang likas nilang mga tirahan sa mundo na sinisira ng tao. Nangangahulugan ito ng higit na matinding interaksiyon sa pagitan ng mga tao at hayop kaya higit na maraming pagkakataong magkaroon ng ‘zoonosis’, paliwanag niya.
“Siyempre, bahagi ng matagalang solusyon ang panatilihin at pangalagaan ang likas nilang mga tahanan.
Bilang isa sa mga bansang pinakamalawak ang kalikasan ng buhay, malaki ang gagampanang papel ng Pilipinas sa larangang ito. Kailangan ding hingin natin ang pakikipagtulugan ng mundo sa pangangalaga sa mga likas na tahanan ng ibang uri ng buhay,” dagdag ni Salceda.
“Ngunit sa madaliang panahon, kailangan nating matutong tugunan ang mabilis na kumalat na mga sakit gaya ng monkeypox, COVID-19, at ang nakakahawang ‘avian flu’ o trangkasong mula sa ibon.
Lalong lilimit ang panghahawa nito habang nasisira ang likas nilang mga tahanan, nananalasa ang ‘climate change’ at laong bumibilis at limalawak ang mga paglalakbay ng mga tao sa buong mundo,” ayon sa mambabatas.
Naipasa na ng Kamara noong Hulyo 2021 ang panukalang HB 9560 ni Salceda na lilikha ng CDC kung saan mapapasailalim ang lahat ng mga ahensiyang nakatuon sa mapanghawang mga sakit. Panukala itong pangangasiwaan ng mga ekspertong may kasanayan sa ganong mga sakit kasama na ang Covid-19.
Hiwalay ito dapat sa burukrasya ng DOH ngunit nasa ilalim pa rin ng pagsubaybay ng Health Secretary. Isinama ito ni Pangulong Duterte sa kanyang mga prayoridad noon.
Ayon kay Salceda, sana ay gawin din itong prayoridad ni Pangulong Bongbong Marcos gaya ng ginawa ni Pangulong Duterte.
Tiniyak ni Salceda na muli niyang ihahain sa Kamara ang kanyang CDC bill.