TAMPOK ang mga palabang duathlete sa paglarga ng CDC OffRoad Playground Duathlon Series Leg 2 ngayong Sabado, Hunyo 18, sa pamosong Vermosa Bike Trails sa loob ng Vermosa Estate Grounds sa Imus, Cavite.
Ang mga paglalabanan ay ang Newbies 10km Challenge: 3km(RUN) – 5.5km(BIKE) – 1.5km(RUN); at Elites 30km Challenge: 6km(RUN) – 21km (BIKE) -3km (RUN) sa age group category na 18 yo below (17 yo below must have parental consent ); 19-29 years old; 30-39 years old; 40-49 years old; 50-59 years old; 60 years old & above, gayundin ang Relay Team na lalahukan ng mga vlogger/photographer.
Tapos na ang online registration at ipinahayag ng organizers na makukuha ang race kit na naglalaman ng bib number, stickers (helmet and bike), race bands, timing chip, event shirt, finisher medal, raffle stub, post-race meal stub, at product samples sa mismonbg venue isang oras bago pakawalan ang karera.
Magpapatupad ng istriktong ‘safety and health’ protocol para sa lahat ng kalahok kung kaya hinihikayat ng oeganizers na panatilihin ang kalinisan at pagtalima sa mga regulasyon tulad ng palagiang paghuhugas ng kamay at pagsusuot ng face mask.
“At 5:50 am, all contestants must proceed to the transition area to mount the bicycles on the bike racks. There will be assigned bike stations and service trays/baskets per contestant to put their corresponding gears. Marshals , a water station and a time system station will be available in the transition area to record run time and bike time elapse,” ayon sa organizers.
Magsisimula ang karera sa Newbie Class sa alas-6:30 ng umaga, habang ang gun start sa Peo/Elite classs ay sa alas-7:25 ng umaga matapos ang briefing, bike check at mounting of bicycles sa bike racks na matatagpuan sa transition area.EDWIN ROLLON