CAMP AGUINALDO – KUNG may Chrismas wish ang Department of National Defense (DND) ito ay ang maging matagumpay ang kanilang Balik-Loob Program o paghikayat sa mga rebelde na sumuko at bumalik sa normal na pamumuhay kaysa Christmas ceasefire.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, wala siyang planong irekomenda kay pangulong Rodigo Duterte ang pagpapairal ng ceasefire laban sa Communsit Party of the Philippines.
“We just are fooling ourselves about this cease fire. A ceasefire is always in their favor never our troops,” ayon kay Lorenzana.
Nabatid na nagdeklara ng kanilang unilateral ceasefire ang CPP-NPA kasabay ng pag-obserba ng Kapaskuhan sa bansa at pagdiriwang ng kanilang golden anniversary.
Sa inilabas na pahayag ng partidong-komunista, epektibo alas-12:01 ng umaga ng Disyembre 24 hanggang bago maghatinggabi ng Disyembre 26 ang idineklara nilang tigil putukan.
Muli itong ipapatupad alas-12:01 ng umaga ng Disyembre 31 hanggang 11:59 ng gabi nang unang araw ng 2019.
Ayon sa CPP – Central Committee habang umiiral ang ceasefire, hindi magsasagawa ang NPA ng kanilang opensiba laban sa puwersa ng gobyerno.
“Ayaw natin silang bigyan ng pagkakataon na makapag-propagandize, we will not recommend, we will not reciprocate… As a matter of fact kaya naman ‘yan unilateral, magdeclare sila mag-declare kami ng sa amin, nasa kanila ‘yun. To me, to us, it’s a gambit na gusto nilang gawin para sa ganu’n sumagot tayo but we already learned our lessons of the past,” ayon kay B/Gen. Edgard Arevalo, tagapagsalita ng AFP.
Sa panig ng DND at AFP sa halip na magdeklara ng Suspension on Military Operation/offensive ay pinasimulan naman ng Task Force Balik Loob (TFBL) ang kanilang Christmas Campaign na humihikayat sa mga rebelde na magbalik-loob sa pamahalaan at makinabang sa Enhanced Com-prehensive Local Integration Program (E-CLIP), at makasama ang kanilang mga pamilya ngayong kapaskuhan. VERLIN RUIZ
Comments are closed.