NAKIKIPAG-UGNAYAN ang Cebu Pacific sa operator ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) tungkol sa technical issue ng baggage handling sa paliparan.
Kasalukuyang nakikipagtulungan ito sa pamunuan ng New NAIA Infra Corporation (NNIC) upang masolusyunan ang problema sa mga delayed luggage sa lalong madaling panahon.
Alinsunod sa napagkasunduan ng dalawang panig, nagbuo ang CEB ng isang grupo o dedicated team na siyang gagawa ng paraan upang maibalik sa normal ang problema sa bagahe.
Binigyan ng choices ang mga pasahero kung ipapadala sa kanila o kaya kunin na lamang sa mga domestic airport malapit sa destinasyon.
Habang ang mga delayed luggage ng international passengers ay maari ipadala na lamang sa kanilang mga final destination sa lalong madaling panahon.
FROILAN MORALLOS