CEBU MAYOR LOOT, PAMILYA INAMBUS

loot

LIGTAS sa ambush si Daanbantayan, Cebu Mayor Vicente Loot kasama ang kaniyang pamilya, subalit sugatan ang isa sa kaniyang bodyguard at ang yaya ng kaniyang apo kahapon ng umaga.

Sa ulat ng Cebu PNP, tinambangan ang grupo ni Loot, isa sa mga inaakusahang narco politician ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kasama ni Loot ang kaniyang asawa na si Vice Mayor Malou at ang anak nitong board member na si Shun Simora at ang iba pang miyembro ng kanilang pamilya ng sila ay paulanan ng bala.

Sinabi ni PNP Spokesman Chief Supt John Bulalacao, kararating lamang mula sa Malapascua Island ang pamilya ni Loot at pababa ng pump boat at sasakay sana ng kanilang van nang pagbabarilin ng limang lalaki.

Si Loot ay dating police general bago nahalalal na alkalde. VERLIN RUIZ

2 thoughts on “CEBU MAYOR LOOT, PAMILYA INAMBUS”

Comments are closed.