CEBU MAYOR TINITIKTIKAN NG PNP

Mayor Vicente Loot

PATULOY na tinitiktikan ng mga pulis ang kilos at galaw ni Daanbantayan, Cebu Mayor Vicente Loot kasunod ng hindi umano nito pagpasok sa kanyang tanggapan sa mga nakalipas na araw.

Sinasabing dahil sa takot ay hindi nagpapakita si Loot matapos ding tanggalin ang kanyang police power.

Sa impormasyong ibinahagi sa media ni Cebu Provincial Police Office director  Sr. Supt. Manuel Abrugena, tuloy ang ginagawa nilang pagbabantay sa mga kilos ng alkalde para rin sa seguridad nito.

Nabatid na tinanggalan ng police powers si Loot dahil sa pagkakasangkot umano nito sa ilegal na droga. Nauna nang humi­ling ang mayor na ibalik ang kanyang police escorts sa tanggapan ng PNP-Region 7.

Subalit, ipinasa umano ni PNP region 7 director P/Chief Supt. Debold Salinas ang desisyon sa PNP headquarters sa Camp Crame sa Quezon City.

Ayon naman kay Cebu provincial board member Sun Shimura, piniling mag-ingat ng kanyang stepfather para sa proteksiyon nito, pamilya at mga kasamahan.

Nilinaw ng opisyal na patuloy pa rin naman ang trabaho ng alkalde kahit hindi ito pumapasok sa munisipyo. VERLIN RUIZ

3 thoughts on “CEBU MAYOR TINITIKTIKAN NG PNP”

Comments are closed.