INANUNSIYO ng flag carrier Philippine Airlines (PAL) nitong Biyernes ang relaunching ng nonstop flights nito sa pagitan ng Cebu at Osaka, Japan, simula sa darating na Disyembre.
Sa isang statement, sinabi ng PAL na ang Cebu-Osaka (Kansai)-Cebu route nito ay mag-o-operate tatlong beses isang linggo, simula Disyembre 22, na may mga sumusunod na iskedul:
• PR 410 Cebu-Osaka – tuwing Lunes, Huwebes at Linggo, aalis ng Mactan-Cebu sa alas-11:45 ng umaga, darating sa Osaka Kansai sa alas-5 ng hapon.
• PR 409 Osaka-Cebu – tuwing Lunes, Huwebes at Linggo, aalis ng Osaka Kansai sa alas-6 ng gabi, darating sa Mactan-Cebu sa alas-9:40 ng gabi.
Inanunsiyo rin ng airline na gagawin nilang apat na beses isang linggo ang Cebu-Osaka-Cebu service simula Pebrero 26, 2025.
Ang iskedyul ay ang mga sumusunod:
• PR 410 Cebu-Osaka – tuwing Lunes, Miyerkoles, Huwebes at Linggo, aalis ng Mactan-Cebu sa alas-11:45 ng umaga, at darating sa Osaka Kansai sa alas-5 ng hapon
• PR 409 Osaka-Cebu – tuwing Lunes, Miyerkoles, Huwebes at Linggo, aalis ng Osaka Kansai sa alas-6 ng gabi, darating sa Mactan-Cebu sa alas-9:40 ng gabi.
“We are delighted to make our comeback in the Cebu-Osaka market, just in time for the Christmas holiday season.
Our direct flights from Mactan to Kansai will help us promote the tourism industry and local businesses in Cebu and the Visayas region and deepen both bilateral relations and cultural ties with our Japanese counterparts,” sabi ni PAL president and COO Captain Stanley Ng.
Sinabi ng PAL na ang pagbabalik ng Cebu-Osaka route ay hudyat ng “decisive expansion” ng network ng flag carrier sa Japan— ang fourth largest source ng mga turista ng Pilipinas at tahanan ng mahigit 300,000 overseas Filipinos.
Ayon sa airline, magde-deploy ito ng isang 199-seater Airbus A321 CEO para sa Cebu-Osaka service.
Ang PAL ay mayroon ding twice-daily flights sa pagitan ng Manila at Osaka Kansai, gayundin ang daily flights sa pagitan ng Cebu at Tokyo Narita.