CEBU PAC BALIK OPERASYON NA SA BIA

BALIK operasyon na ang Cebu Pacific airline sa Bicol International Airport (BIA) bilang pagtugon sa kakulangan ng flight sa nasabing paliparan.

Ayon kay Xander Lao, Chief commercial Officer ng Cebu Pacific na itinalaga ng airline ang kanilang bagong Airbus 320 kapalit ng 78 seater ATR or Turbo propeller type aircraft upang mabigyan ng pagkakataon makasakay ang mga pasaherong papuntang Maynila at vice versa.

Batay sa impormasyon na nakalap ng pahayagang ito, sa kasalukuyang ang airbus 320 ng Cebu Pac ay lumilipad ng limang beses araw-araw mula Manila patungong Legaspi o vice versa mula sa araw ng Lunes hanggang Biyernes at apat na beses naman sa loob ng isang Linggo ang kanilang Cebu-Legaspi flight schedule.

Matatandaan na nagbukas ang BIA noong Oktubre nakaraang taon ngunit nang dumating ang pandemic pansamantalang ipinasara ito ng pamahalaan upang maiwasan ang hawaan ng COVID-19.

Sa ngayon ang CEB ay ang mayroon 34 lokal destination, at 14 International flight at maliban dito mababa rin sumingil sa pamasahe o air fares kung ikukumpara sa Philippine Airlines (PAL) at ibang airlines na nag-ooperate locally. FROILAN MORALLOS