NAG-DEPLOY ang tinaguriang Philippines leading carrier Cebu Pacific (CEB) ng labing tatlong electric baggage tractors sa kanilang ground operation sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 at 3 bilang commitment sa isang tinatawag na sustainable aviation.
Ito ay naisakatuparan sa pakikipagtulungan ng New NAIA Infra Corp. (NNIC) upang mabawasan ang carbon emission at maiangat ang operational efficiency sa mga ramp.
Matatandaan na ang mga transport baggage, cargo between aircraft at terminals ay naka-rely sa fuel-powered tractors kung saan pinagmumulan ng carbon emission sa airport operation sa ibat-ibang paliparan.
Ayon kay CEB President at Chief Commercial Officer Xander Lao, ang pagkakatuklas ng electric baggage tractors ay isang paraan upang mabawasan o mabawasan ang emissions generated mula sa ground at on air sa ground operations ng mga airport.
Dagdag pa nito, ang electric baggage tractors ay gawa ng TLD Asia Ltd. kung saan mayroon itong high-capacity lithium batteries and fully electric drivetrains, na siyang nagbibigay ng karagadagan operational efficiency at reducing emissions.
Ayon pa kay Lao, ang integration of electric ground support ay isang significant improvement sa kanilang ramp operations at benepisyo matatamasa ng kanilang mga tauhan sa airport.
FROILAN MORALLOS