CEBU PACIFIC NAGPASABOG NG SEAT SALE MULA ENERO 1-3

CEBU PACIFIC-2

NAGPASABOG ang budget carrier na Cebu Pacific sa pagpasok ng Bagong Taon sa pamamagitan ng isang seat sale na nagsimula noong Enero 1 at matatapos hanggang bukas, Ene­ro 3 para sa lahat ng Philippines and international destinations.

Sa isang  Facebook post nitong Miyerkoles, inanunsiyo ng carrier na ang one-way base para sa Philippines destinations ay naka-sale for as low as P99, at P149 para sa international routes.

Ang travel period para sa sale ay magsisimula sa Pebrero 5 hanggang  Mayo 31, 2020.

Ang nasabing domestic one-way base fare ay kasama ang 7 kilong hand-carry baggage allowance pero hindi kasama ang web admin fee, 12% value added tax, terminal fees, at fuel surcharge.

Samantala, ang international one-way fares ay kasama ang 7 kilograms hand-carry baggage allowance pero hindi kasama ang web admin fees para sa maiksi at mahabang biyahe, ang international terminal fee na P550, at fuel surcharge.

Lahat ng  promos ay puwedeng makita sa Cebu Pacific website.