NAHATULANG guilty ng korte ang grupo ng negosyanteng si Cedric Lee, aktres na si Deniece Cornejo, at Jed Fernandez sa kasong grave coercion na isinampa ng It’s Showtime host na si Vhong Navarro.
Sa 50 pahinang resolusyon ni Judge Bernard Pineda Bernal ng Taguig City Metropolitan Trial Court, nag-ugat ang pambubugbog, paggapos, at pananakot kay Vhong ng grupo nina Cedric at Deniece noong Enero 22, 2014 sa condo unit ng dalaga sa Taguig City.
Acquitted naman ang nakatatandang kapatid ni Cedric na si Bernice Lee, na kasama rin ng grupo nang gabi ng insidente.
Dahil sa hatol, maaaring makulong sina Cedric, Deniece, at Jed ng anim na buwan hanggang tatlong taon.
Nakasaad sa bahagi ng resolution, “Wherefore, premises considered, judgment is hereby rendered finding accused DENIECE MILLINETTE CORNEJO, CEDRIC CUA LEE, AND SAJED FERNANDEZ ABUHIJLEH a.k.a. JED FERNANDEZ GUILTY beyond reasonable doubt of the crime of Grave Coercion and, applying the Indeterminate Sentence Law, sentences them to suffer the indeterminate penalty of (6) months arresto mayor as minimum, to (3) years and (6) six months of prision correccional medium as maximum.”
Ang kasong grave coercion ay bunga ng pamimilit ng grupo ng mga akusado kay Navarro na pirmahan ang police blotter kung saan nakasaad ang akusasyong attempted rape ni Navarro kay Deniece.
Comments are closed.