Cedric Lee pinaninindigang inosente siya

PINANININDIGAN  ni Businessman Cedric Lee na wala siyang kasalanan kahit pa nahatulan na sila ng life imprisonment tulad ni with Deniece Cornejo.

Nalulungkot daw siya dahil sila pa ang nakulong samantalang ipinagtanggol lamang nila ang kanilang kaibigan.
Dapat umano ay si It’s Showtime host Vhong Navarro ang nakakulong dahil siya ang rapist.

Matatandaang nahatulan ng reclusion perpetua si Lee at Conrnejo pati na ang kanilang mga kabarkadang sina Simeon Raz, at Ferdinand Guerrero, batay sa desisyon ni Taguig Regional Trial Court Branch 153 Judge Mariam Bien.

Pinanindigan din niyang nagahasa si Deniece at hindi ito dapat na nakakulong.

Umalma rin ang lolo ni Deniece na si Rod Cornejo sa nasabing hatol, lalo pa at nakakulong na ang kanyang apo sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City.

Umabot ng 10 taon ang nasabing kaso na nagsimula lamang sa isang simpleng pagkikita sa BGC nina Cornejo at Vhong Navarro.