CELEBRITIES HUMANGA SA ARMM FOOD CUISINE

ARMM FOOD CUISINE

HUMANGA ang mga bisitang celebrity sa ginawang presentasyon ng iba’t ibang klase ng pagkain na inihain sa kakaibang food festival na ginanap sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) na gamit ang lokal na ingredients at recipes.

Hinainan ng ARMM ang mga certified foodie at blogger na si Erwan Heusaff, celebrity chef Boy Logro, actor-restaurateur Diether Ocampo, beco­ming Filipino blogger Kyle ‘Kulas’ Jennermann, at Anak Mindanao executive director Djalia Turabin Hataman. Sila rin ang mga gumanap na hurado sa naturang okasyon.

Nagsuot ang chieftains at mga kinatawan ng bawat village ng kani-kanilang tradisyunal na costume sa naturang okasyon, habang ang kani-kanilang grupo ng mga magluluto ay nagpakita ng pangunahin at tradisyunal na Moro cuisines sa naganap na food festival kamakailan.

Kinuha ng ARMM organizers ang mga komento ng celebrity guests na pinupuri ang rehiyon dahil sa “unique food and delicacies” sabay sabi na maganda itong behikulo para maitaguyod ang ARMM “in many ways they can”.

Sinabi ng ARMM na nalagay sa spotlight ang food fest tungkol sa culinary delights ng limang probinsiya ng rehiyon bilang bahagi ng kanilang 29th founding anniversary celebration.

“It’s amazing, the culture and beauty that is here in the region, from the people to the colors to the music to the dance to the food; these are incredible,” pahayag ng Canadian blogger na si Jennermann sa ARMM statement na nai-post noong Biyernes.

“It is so much hard to promote the food here because you don’t even know how to describe how amazing it is, so everybody in the Philippines should see this and understand this,” dagdag niya.

Sinabi ni Heusaff na itataguyod niya ang culinary delights sa ARMM sa kanyang blog, “Food here in ARMM is really good, everything was really surprising, actually most of the dishes I’ve tasted I wasn’t familiar (but those were) really tasty and delicious and I’m glad I was able to taste the food here and looking forward to joining more (events).

I think I just want to focus on the food and culture here in ARMM and I would put it into video and hopefully people will get curious and actually realize that they can travel here and experience it for themselves,” dagdag pa niya.

Sinabi naman ni Diether Ocampo na ang festival ay nagmarka sa “celebration of the region’s diverse flavors reflecting its culture and a celebration of cuisine and culinary talents of the Moro people”.

“Joining the food festival is a great opportunity to share the good news not only to Filipinos but also to the world,” dagdag niya.

“It’s about time to recognize our own, the culinary expertise in our country, something I’ve always been looking forward to. Now that I have the chance to have a great experience with them,” ani Ocampo.

Sinabi niya na “experiencing the food in the region is a great surprise”.

Nagbigay pa si Ocam­po ng suhestiyon sa ARMM organizers na dapat mag-share ang bawat village ng kanilang recipe “so they can share these delights in other parts of the country”.

Sinabi ng ARMM na kung ikokompara ang kanilang pagkain sa ibang rehiyon na medyo matamis, ang lutuin ng mga Moro ay nananatiling malakas pa rin ang nakaraang recipe gamit ang mayamang gata ng niyog,  at mayaman sa ground spices. Ang mga tipikal na halo ay  chili, turmeric, sambal, coriander, lemon grass at peanut butter. Dahil sa Islamic laws, walang baboy at alcohol sa  native cuisine ng Moros, saad pa rito.

Bahagi ng kita sa natu­rang okasyon ay gagamitin para makapagbigay ng relief assistance sa mga pamil­yang apektado ng nakaraang sunog sa Jolo, Sulu.       MANUEL T. CAYON     

Comments are closed.