PINALALANTAD ni Senate President Vicente Sotto III ang pangalan ng celebrities na nasasangkot sa ilegal na droga matapos na isapubliko ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pangalan ng mga politikong kabilang sa narco list.
Ayon kay Sotto, mas maiging pangalanan na rin ang celebrities na parokyano ng mga drug pusher.
Aniya, maituturing na balido ang impormasyon kung manggaling ito mismo sa mga drug pusher.
Magugunitang inihayag ni Philippine Drug Enforcement Agency – Special Enforcement Service Director Levi Ortiz na nakita nila ang pangalan ng isang lalaki at babaeng celebrity sa cellphone ng hinihinalang party drug supplier na si Steve John Pasion na napatay naman sa isang buy bust operations sa Manila noong Lunes.
Samantala, ipinagtanggol ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbubunyag sa mga nasa narco- list.
Sinabi ng Pangulo na ang trabaho nila’y makahanap ng probable cause na ipiprisinta sa piskalya laban sa mga isinasangkot sa ilegal na droga. DWIZ882
Comments are closed.