CELEBRITY ENTREPRENEURS NAKILAHOK SA FRIENDFEST BAZAAR

FRIENDFEST BAZAAR

DINAGSA ang kauna-unahang Friendfest bilang pagdiriwang sa International Friendship Day na naganap mula ika-27 hanggang ika-29 ng Hulyo sa Shangrila mall sa Mandaluyong.

Tampok sa pagdiriwang ang iba’t ibang artista na magkakaibigan at may mga negosyo dahil isang parte nito ay bazaar.

Isa sa mga celebrity entrepreneur na nakilahok sa bazaar ay si Nene Tamayo na may-ari ng Nene Prime Foods. Hango ang pangalan ng kanyang negosyo at sa produktong ibinebenta niya na prime cuts ng bangus belly.

Hindi inaasahan ni Nene na ito ay magiging negosyo niya dahil lahat ng kanyang binibenta ay kanyang mga paborito lang noon. Nagsimula ito nang mag-eksperimento sa recipe ng bangus belly with olive oil. Hanggang sa ipatikim sa kliyente ng kanyang asawa. At napunta sa mga bazaar noong taong 2011.

Limang libo lang ang ginamit ni Nene na starting capital sa kanyang negos­yo na opisyal na naging full business noong taong 2014. Nagsimula sa mga microwavable na lalagyan at isang pressure cooker. Ngayon, ang mga produkto ng Nene Prime Foods ay nakabote na at marami na rin ang kanyang nabiling pressure cooker.

Nagmumula sa Dagupan at Pangasinan ang mga isdang ibinibenta ng Nene Prime.

Masaya at pinagmamalaki naman si Nene sa nagiging paglago ng kanyang negosyo dahil bukod sa kumikita siya ay natutulungan niya rin ang mga mangingisda ng ating bansa na pinagkukuhaan niya ng supply.

Maaaring magpadala ng mensahe sa facebook.com/neneprimefoods para mag-order ng kanilang mga produkto. Ito ay available for delivery sa mga lugar sa Metro Manila mula Lunes hanggang Sabado, alas-10 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi. O bisitahin ang Styled Pop Up store sa Shangrila o sa Bonifacio Global City, Taguig o sa reseller sa Alabang at Quezon City. Maaari ring magtext sa 0915-905-8888 para sa mga interesado.

Bahagi rin ng Friendfest bazaar ang aktres na si Jan Martini na ang ibi­nibenta naman ay organic mushroom chicharon, honey, at turmeric. Business na ng pamilya nila Jan ang organic mushroom chicharon. Sila ng kanyang pinsan na si Jaimie Alano Lee ang magkasosyo sa negosyong ito.

Noon sa mga bazaar kung saan palaging naiimbitahan si Jan, homemade healthy baked goods ang kanyang ibinibenta. Nagsimula lang ang organic mushroom chicharon dahil sa konsepto ng kanyang pinsan at gusto ni Jan ng ibebenta na hindi madaling masira.

Tatlong taon nang tumatakbo ang kanilang negosyo. Mabenta ito lalo na sa mga taong gusto ng mga pagkaing masusustansya. Kaya naman madalas bago o pagkatapos ng Christmas season kung saan puro carbs ang nasa hapag, marami ang umo-order sa kanila para kahit papaano ay maging healthy.

Dagdag din ni Jan, sikat ito dahil panahon nga­yon kung saan ang mga tao ay health conscious na at lumilipat sa plant base eating.

May mga panahon ding hindi mabenta, pero dahil matagal ang buhay, hindi sila nangangamba at nagtutuloy-tuloy pa rin ang negosyo dahil na rin sa maraming resellers ng Jalees Farms.

Regular silang matatagpuan sa mga bazaar. At kung interesado naman ay maaaring bisitahin ang kanilang Facebook at Instagram account na @jaleesfarms.

Marami pang mga celebrity entrepreneurs ang kasali sa Friendfest 2018. Nandoon din sila Bianca Lapus, Jana Victoria, Anna Luna, Nene Tamayo, Chx Alcala, Candy Pangilinan, Miriam Quiambao, Janice at Gelli de Belen at si Tintin Babao.

Sa pagtatapos ng event, pinanood ng maraming tao ang maiksing fashion show, ang mga artista na magkakaibigan suot ang dinisenyo ni Jason Alcoriza na mabibili din sa Styled Pop Up store.

Comments are closed.