Kapapanganak pa lamang sa kanila, pinag-uusapan na. Mga tunay na prinsesa. Hindi dahil anak sila ng mga guwapo at magagandang artista, kundi dahil talagang may taglay silang charisma na wala sa ina. Isa-isahin natin sila.
THYLANE BOLZICO – Anak nina Solenn Heussaff at Nico Bolzico at may palayaw na Tili, pinag-aagawan na si Thylane Bolzico para maging commercial endorser, lalo pa at lumalaki siya sa isang multilingual household na nagsasalita ng French, English, Filipino, and Spanish. Ano pa kaya kapag marunong na siyang magsalita, kumanta at sumayaw?
BLANCA DIETRICH GO – Anak nina Divine Lee at Blake Go, fashionista na ang batang si Blanca Dietrich Go. May sarili na nga siyang Instagram account na nagpapakita ng daily OOTD nita.
MIA AYA SEMERAD – Si Mia Aya Semerad ang inspirasyon ng mag-asawang Sam Pinto at Anthony Semerad sa kanilang negosyong L’sirene Boutique Resort sa Baler, Aurora. Si Aya ang kanilang “little mermaid,” at model na rin ng mga binibenta nilang swim wear.
DAHLIA HEUSAFF – Sa ganda at guwapo ng mag-asawang Anne Curtis at Erwan Heussaff, napakaimposibleng maging pangit ang dalawang taong anak nilang si Dahlia Heussaff. Baby pa lang, trendsetter na ang bata. Ikaw ba naman ang magkaroon ng inang super ganda at titang si Solenn na super fashionista.
LUNA AGONCILLO – Like mother, like daughter. Anim na taon pa lamang ngunit gayang gaya ni Luna Agoncillo ang inang si Judy Ann Santos. Talagang mini-me ni Juday. Pero sabi ni Ryan Agoncillo, siya raw ang kamukha nito – kahit hindi naman halata. Tumutulong siyang magluto sa kanyang ina sa mga cooking videos na si Ryan naman ang nasa likod ng camera.
SIENA BELO PITT
Anak siya ni Cristalle Belo at sa kanyang edad, alam na niyang bihisan ang kanyang sarili. Malamang, magiging model siya paglaki. Mana sa ina, at sa amang si Justin Pitt.
LILO EIGENMANN ALIPAYO – Dalawang taon pa lamang ang anak nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo na si Lilo — isang certified “island girl” na isinilang at lalaki sa Siargao sa Surigao del Norte. Tulad ng kapatid niyang si Ellie, mahilig din siya sa surfing. Malay natin, baka siya na ang susunod na world surfing champ.
ZOE MIRANDA– Hindi pahuhuli ang anak ni actress Sofia Andres sa non-showbiz partner na si Daniel Miranda – si Zoe Miranda. Sentro na rin siya ng spotlight, lalo pa at ang cute-cute niya kahit ano pa ang isoot niya. Ang problema lang, papayag kaya ang kanyang amang pumasok din siya sa showbiz?
SCARLET SNOW BELO – Sobrang sikat ng anak nina Drs. Vicki Belo at Hayden Kho na si Scarlet Snow Belo. Yes, sikat din ang nanay at tatay niya, at tagapagmana pa siya ng kanilang mga negosyo, pero may sarili siyang paraan para ma-outshine ang kanyang mga magulang.
Sa murang edad, isa na siyang influencer, hindi lang sa mga kaedad niya kundi maging sa mas mga nakakatanda. Madaldal kasi siya, mabait at napakagalang pa.
ALANA ARELLANO – Natural entertainer naman ang anak nina Iya Villania at Drew Arellano na si Alana Lauren Arellano. Nagmana siguro sa kanila – e kanino pa nga ba?
ZIA DANTES – Kapapanganak pa lamang kay Zia, pinagkaguluhan na siya. Isa na agad siyang scene-stealer, at sinasapantaha ng lahat na mas sisikat pa siya sa kanyang inang si Marian Rivera. Talaga namang napakagandang bata. Kaya labs na labs din siya ng kanyang amang si Dingdong Dantes.
ISABELLA BRIE MUDIE – Panganay si Isabella Brie Mudie nina Rich Asuncion at Benj Mudie. Malamang, sasali rin siya sa Binibining Pilipinas tulad ng kanyang ina sa kanyang paglaki. Mahilig din daw siyang lumangoy, at malay mo, baka manalo siya.
Hintayin nating lumaki ang magagandang batang uto at sigurado, makikita natin pagsikat nila sakaling naisin nilang sumabak sa pelikula, pagmomodelo o pageantry.
MALIA O’BRIAN – Kamukha ng ama, pero manang mana kay Pokwang si Malia O’Brian. Bata pa lang, mahusay na siyang kumanta at sumayaw, at mahusay ring magpatawa.