CELESTE CORTESI NG PASAY CITY, MISS UNIVERSE PHILIPPINES 2022

Wagi ang pambato ng Pasay City na si Celeste Cortesi na makopo ang korona ng Miss Universe Philippines 2022 na ginanap noong April 30, 2022, sa SM Mall of Asia Arena, Pasay City.

Ipinasa ni Miss Universe 2021 titleholder Beatrice Luigi Gomez sa kanya ang titulo.

Si Michelle Dee ng Makati City ang tinanghal na Miss Universe Philippines Tourism habang si Pauline Amelinckx naman ng Bohol ang Miss Universe Philippines Charity. First runner-up si Annabelle Mcdonnell habang second runner-up naman si Maria Katrina Llegado ng Taguig City.

Bilang Miss Universe Philippines 2022, ipinutong kay Celeste ang bagong bagong koronang tinawag na “La Me­r en Majesté” na nagkakahalaga ng PHP3 million.

RABIYA MATEO, JERIC GONZALES MAGKASAMA SA MS U PH 2022

Naging date ang pagdalo ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateon at boyfriend na si Jeric Gonzales sa Miss Universe Philippines 2022.

Nahagip ng camera si Rabiya na katabi si Jeric nang itutok ito kay Miss Universe 1973 Margie Moran, dahil nakaupo sila sa likuran nito

Hindi naman sikreto ang relasyon ng dalawa kaya okay lang na nakikita silang magkasama. So what kung nagdi-date sila?

JULIANA PARIZCOVA SEGOVIA HINDI PINADAPA NG PANGLALAIT NI VICE GANDA

Kahit blind item, tinamaan si Juliana Parizcova Segovia sa mga sinabi ni Vice Ganda na, “May kakilala rin ako na ganito. Sa totoong buhay, hindi naman siya toxic talaga pero basher siya sa social media. Tapos, nalaman ko kasi, troll siya. Trabaho, kasi wala siyang pera, e. So, iyon yung effect, ginawa niya yun, kumapit siya dun kahit mali, kasi kailangan niya ng pera dahil naghihirap siya.”

“Tuwing nagpo-post po ng hindi maganda tungkol sa akin ang alaga niya, nakikita ko sa My Day na magkakasama sila,” ani Juliana. “Okey lang ba kay Vice na ganoon yung alaga niya? Alam po ng lahat ng mga bakla na hindi naman kikilos ang alaga kung hindi alam ng may hawak sa kanya, lalo na po si Vice na napaka-strict sa lahat ng mga bagay.”

Aniya, napakasakit na ipamukha sa’yo ng troll ang sobrang kahirapan mo.

“Totoong mahirap lang po ako. Maaga po na namatay ang tatay ko kaya ginawa kong inspirasyon si Vice na itutok ang pagbawi sa nanay. Walang araw po sa buhay ko na hindi ako nagbanat ng buto para may maipakain sa nanay ko at mabigyan siya ng konting ginhawa sa buhay. Kahit sino naman po, puwedeng mang-api ng mahirap. Nagulat lang po ako na sa isang nagmula rin sa kahirapan at iniidolo ko pa manggagaling ang mga ganoong salita.”

Dagdag pa niya, hindi lahat ng mahirap na gustong manindigan ay kumakapit sa patalim. May sarili umano siyang opinyong ipinaglalaban at sangkot dito ang kanyang dignidad at prinsipyo. Hindi raw niya kailangang bumangon dahil hindi naman siya pinadapa nito.

RUFFA GUTIERREZ IN GOOD TERMS NA SA EX-HUSBAND NA SI YLMAS BEKTAS

Binibigyan na ng pagkakataon ni Ruffa Gutierrez na makipag-ugnayan uli ang dalawa niyang anak na sina Lorin at Venice sa kanilang amang si Yilmaz Bektas dahil nasa tamang edad na sila.

Una raw kumontak sa kanila ang kapatid ni Ylmas na si Kezra, at nakiusap ang mga anak niya na kausapin ang kanilang ama na pinayagan naman niya. Pero si Venice daw, ayaw makipag-usap gaano, pero nang marinig ang boses ng ama, umiyak siya.

Matagal na raw nilang pinag-uusapan ni Yilmaz ang pakikipagkita nito sa kanilang dalawang anak, pero hindi raw sila nagkakasundo kung saan gaganapin ang reunion.

Sabi raw ni Yilmaz, ‘I have reasons why I haven’t been able to see you. I’ve been telling your mom, kayo ang pumunta sa Istanbul.’

Kaso, ang gusto raw ni Ruffa ay si Ylmas ang pumunta sa Pilipinas.

Panahon na raw para magkakaroon ng healing at matatanggal ang bigat ng dibdib na dinadala ng kanyang mga anak, lalo na si Lorin.

CATRIONA GRAY SPECIAL PARTICIPATION LANG SA MISS U PH

Kahit paano, may special participation si Universe! Miss Universe 2018 Catriona Gray sa Miss Universe Philippines 2022. Reunited si Catriona sa mga kasamahang Miss Universe queens na sina Pia Wurtzbach, Iris Mittenaere, Demi-Leigh Tebow and Harnaaz Sandhu sa isang dinner. Actually, yun lang ang partisipasyon ni Catriona sa pageant, at saka nga pala picture-picture.

LORNA T BUMILI NG LUPA SA ILOCOS SUR DAHIL NAGANDAHAN SA LOCATION NG “ANG PROBINSYANO”

Sobrang nagandahan si Lorna Tolentino sa location ng FPJ’s Ang Probinsyano sa Ilocos Sur, kung saan sila nagla-lock-in taping, kaya napabili siya roon ng property.

Maliit na lupa lang umano ito, pero wala naman daw siyang balak manirahan sa Ilocos. Ipagagawa raw niya itong resort at parerentahan para pagkakitaan.

Nag-aaral na rin umano siyang magsalita ng Ilo­cano para maka-blend sa mga tao. Hindi rin umano siya puwede sa pulitika dahil showbiz talaga ang kanyang career.