CAMP CRAME – INILUNSAD ng Philippine National Police (PNP) at ng Samsung Philippines ang mobile applications para mabilis na maiulat ang krimen, pagtawag ng police assistance o guide para makapunta sa pinakamalapit na police station.
Kahapon ay nilagdaan na ang kasunduan para sa Samsung 321 app sa pagitan ng nasabing cellphone company at Directorate for ICT Management (DICTM).
Ayon kay Julis Arguson, product engineering and technical compliance head IT and mobile ng Samsung, ang nasabing apps ay magsisilbing plataporma para sa pag-uulat ng krimen sa pulis.
Nakapaloob sa Android-only app ang database ng national institutions kasama ang mga police station, fire station, at mga hospital, kasama ang kanilang mga contact number at driving directions kung may emergency cases.
Saklaw rin ng Samsung 321 app ang 84 locations nationwide kabilang ang Metro Manila, Batangas, Ilocos Norte, Nueva Ecija, Pampanga, Occidental Mindoro, Albay, at Palawan.
Tiniyak naman ni PNP Directorate for ICT Management Director Napoleon Taas na masusi nilang pinag-aralan ang lahat ng information na nasa apps at sumailalim ito sa napakaraming check and counter check para matiyak na makatutugon ito sa National Data Privacy Act. VERLIN RUIZ
Comments are closed.