CELLPHONES AT ACCESSORIES NASABAT SA NAIA

Cell phone

IPRINISINTA ng Bureau of Csutoms (BOC) sa media sa Ninoy Aquino International Airport ( NAIA) ang nasabat na 825 used smart phones, Lithium batte­ries at phone accessories.

Ayon kay NAIA Customs district collector Carmelita Talusan, ang naturang mga item ay galing sa Korea, at ito ay kasama sa dalawang shipments na nakapangalan sa iisang consignee.

Napag-alaman sa National Telecommunications Commission (NTC) na ang importation ng mga used cellphone at cellphone accessories ay hindi pinapayagan ng pamahalaan, maliban kung pampersonal na gamit.

Ayon pa sa NTC, bukod sa delikadong gamitin pinoprotektahan nila ang kapakanan ng mga lokal producer sa bansa, na siyang dahilan kung kaya nakatengga ang kanilang mga lokal na produkto dahil sa pagdagsa ng mga used cellphone.

Kaugnay nito pinasalamatan ng Samsung Philippines Corporation ang Bureau of Customs dahil sa walang humpay na pagtugis sa mga counterfeited products, na hindi dumaraan sa tamang pagsusuri ng quali­ty control.

Maging ang Korean firm na siyang may akda sa paggawaan ng mga Samsung cellphone ay nagparating ng pasasalamat. FROI MORALLOS

Comments are closed.