NAGPAKAWALA si Jaylen Brown ng 44 points upang tulungan ang NBA champion Boston Celtics na putulin ang two-game losing streak sa 142-105 blowout sa Indiana Pacers nitong Biyernes.
Nagtala si Brown ng 15 points sa first quarter, nang ma-outscore ng Celtics ang Pacers, 39-22, upang kunin ang kontrol.
Tumapos siya na may anim sa 23 three-pointers ng Celtics at gumawa ng 4 steals, itinala ang kanyang pinakamataas na scoring output magmula nang umiskor siya ng 50 sa panalo kontra Orlando noong January 2022.
“He was big-time,” wika ni Celtics coach Joe Mazzulla patungkol kay Brown, na pinasaya ang TD Garden crowd sa kanyang thunderous dunks. “He has the ability to impact a team and an arena with his energy and his physicality.
When he gets into a certain zone he just gets locked in, and you kind of saw that on both ends of the floor.”
Umiskor si Jayson Tatum ng 22 points at kumalawit ng 13 rebounds habang nagdagdag si Payton Pritchard ng 18 points, 8 rebounds at 10 assists mula sa bench para sa Celtics, na binalewala ang pagliban nina Kristaps Porzingis at Jrue Holiday upang iposte ang pinakamalaking points total ng season.
Umiskor si Tyrese Haliburton ng 19 points at nag-ambag si Bennedict Mathurin ng 18 para sa Pacers, na naglaro na wala sina injured Obi Toppin at Andrew Nembhard.
Sa lopsided win laban sa koponan na tinalo nila sa Eastern Conference finals noong nakaraang season ay nakaiwas ang Celtics sa kanilang unang three-game skid sa season.
Nanatili rin silang nakadikit sa Eastern Conference leaders Cleveland, na umangat sa kanilang league-best record sa 27-4 sa 149-135 victory kontra Denver Nuggets.
Tumabo si Donovan Mitchell ng 33 points upang pangunahan ang anim na Cavaliers players sa double figures nang makopo ng Cleveland ang kanilang ika-6 na panalo — at ika-10 sa 11 games.
Nagsalpak ang Cavs ng 23 three-pointers at umabante ng hanggang 21, nalusutan ang triple-double na 27 points, 14 rebounds at 13 assists mula kay Denver’s NBA Most Valuable Player Nikola Jokic.
Sa Houston, ipinasok ni Minnesota’s Anthony Edwards ang isang step-back three-pointer, may 23.2 segundo ang nalalabi, upang igiya ang Timberwolves sa 113-112 panalo kontra Rockets.
May pagkakataon si Fred VanVleet na maitakas ang panalo para sa Houston, subalit nagmintis sa isang three-pointer, may 1.8 seconds ang nalalabi.
Umiskor si Julius Randle ng 27 points at tumapos si Edwards na may 24 para sa Timberwolves, na nalamangan ng 16 points, 106-90, may 4:57 sa orasan
“Made it happen!” sabi ni Edwards.
“Got some stops, we made some big shots — made a big shot at the end right there.”
Nanguna si Sengun para sa Rockets na may 38 points at 12 rebounds. Nagdagdag si Amen Thompson ng 20 points at lahat ng limang Houston starters ay umiskor sa double figures subalit kinapos sa huli.