KUMANA sina Jayson Tatum at Jaylen Brown ng pinagsamang 70 points nang durugin ng Boston Celtics ang Milwaukee Bucks, 140-99, sa one-sided duel ng dalawang pinakamahuhusay na koponan sa NBA nitong Huwebes.
Si Tatum ay gumawa ng matinding performance na kinabilangan ng walong three-pointers sa 40-point haul, habang kumamada si Brown ng 13-of-20 upang tumapos na may 30 points
Ang pagkatalo ay isang reality check para sa Bucks, na nangunguna sa Eastern Conference at inaasahang kukunin ang top seeding sa playoffs.
Angat ang Milwaukee (55-22) sa Boston (53-24) ng dalawang laro, may limang regular season fixtures ang nalalabi.
“We just wanted to come out and be aggressive,” sabi ni Brown matapos ang laro. “We just wanted to come out and play good basketball and that’s what we did.”
Umiral ang tensiyon sa closing stages ng blowout, kung saan napatalsik si Milwaukee’s Thanasis Antetokounmpo sa pagtarget ng head butt kay Blake Griffin ng Boston.
“It’s that time of year,” ani Brown. “We’re all getting ready for the playoffs, it’s backs against the wall and survival of the fittest.
We want to be the last team on top and they’re one of the teams we’ve got to go through.”