NAPANTAYAN ni Joe Ingles ang career-high 27 points at nagdagdag si Rudy Gobert ng 17 points at 15 rebounds nang sirain ng Jazz ang pagbabalik ni Gordon Hayward sa Utah sa pamamagitan ng 123-115 panalo laban sa bumibisitang Boston sa Salt Lake City kahapon.
Nag-boo ang mga tagahanga ng Jazz sa bawat galaw ni Hayward, na iniwan ang Utah para sa Boston via free agency bago magsimula ang nakaraang season. Pagkatapos ay nagtamo si Hayward ng fractured ankle injury sa season opener ng Celtics noong nakaraang taon at hindi naglaro sa kabuuan ng season. Umiskor siya ng 13 points sa 3-for-9 shooting mula sa field.
Tumipa si Donovan Mitchell ng 21 points, gumawa si dating Celtics forward Jae Crowder ng 20 points at nag-ambag si Ricky Rubio ng 17 nang magwagi ang Jazz ng dalawang sunod makaraang matalo ng apat na sunod. Nagdagdag si Ingles ng 5 rebounds at 7 assists, at nagtala ng 10-for-14 mula sa field, kabilang ang 5-for-9 mula sa 3-point range.
SIXERS 133,
HORNETS 132 (OT)
Kumana si Joel Embiid ng season-high 42 points, 18 rebounds at 4 blocked shots upang tulungan ang Philadelphia 76ers na malusutan ang bumibisitang Charlotte Hornets sa overtime.
Ito ang ika-8 laro ni Embiid ngayong season na gumawa siya ng hindi bababa sa 30 points at 10 rebounds.
Nagsalansan si Ben Simmons ng 22 points, 8 rebounds at 13 assists, nagdagdag si Dario Saric ng 18 points at 9 rebounds, habang tumabo si JJ Redick ng 17 mula sa bench, at umangat ang Sixers sa 7-0 sa home sa unang pagkakataon magmula noong 2002-2003.
Naitala ni Kemba Walker ang 22 sa kanyang 30 points sa fourth quarter at overtime habang nag-ambag si Jeremy Lamb ng 17. Umiskor si Dwayne Bacon ng 15 para sa Hornets, na naputol ang two-game winning streak.
Sa iba pang laro ay nalambat ng Nets ang Nuggets, 112-110; pinadapa ng Pistons ang Hawks, 124-109; iginupo ng Magic ang Wizards, 117-108; pinaamo ng Kings ang Timberwoles, 121-110; at pinalamig ng Pacers ang Heat, 110-102.
Comments are closed.