IBINUSLO ni Kristaps Porzingis ang 13 sa 19 field-goal attempts at kumana ng game-high 31 points upang pangunahan ang Boston Celtics sa 125-117 panalo laban sa bisitang Atlanta Hawks noong Miyerkoles ng gabi.
Nagsalpak si Derrick White ng Boston ng apat na 3-pointers sa fourth quarter at tumapos na may 21 points.
Nakakuha ang Celtics ng 20 points, 9 rebounds at 7 assists mula kay Jayson Tatum, na 2 of 13 mula sa 3-point territory.
Naitala ng Celtics ang kanilang pinakamalaking kalamangan sa laro nang ipasok ni Tatum made ang isang layup upang bigyan ang Boston ng 111-98 bentahe, may 7:23 ang nalalabi. Lumapit ang Atlanta sa limang puntos, 120-115, makaraang isalpak ni Bogdan Bogdanovic ang isang 3-pointer, may 1:17 sa orasan, subalit sinelyuhan ni Porzingis ang panalo sa isang 3-pointer na nagbigay sa Celtics ng eight-point lead, may19.1 segundo ang nalalabi.
Nanguna si Saddiq Bey para sa Hawks na may 25 points. Tumapos si Trae Young na may 20 points at 10 assists at nagdagdag si Jalen Johnson ng 19 points at 15 rebounds. Nagposte si Onyeka Okongwu ng 19 points at 10 rebounds.
Heat 116,
Spurs 104
Naitala ni Jimmy Butler ang kanyang ika-16 na career triple-double upang pangunahan ang host Miami Heat sa panalo kontra San Antonio Spurs.
Nakakolekta si Butler ng 17 points, 11 rebounds at 11 assists at nagdagdag ng game-high 3 steals at walang turnovers sa 34 minutong paglalaro.
Nagbuhos si Tyler Herro ng game-high 24 points, 6 rebounds at 7 assists para sa Heat. Nagdagdag si Bam Adebayo ng 20 points sa 10-for-14 shooting.
Ang San Antonio, na nalasap ang ika-5 sunod na pagkatalo, ay pinangunahan ni star rookie Victor Wembanyama, na may 18 points, game-high 13 rebounds, 3 assists at 1 block. Nagbuslo siya ng 7 of 13 shots, kabilang ang 3 of 5 sa 3-pointers, at naiposte niya ang kanyang ika-25 double-double sa season.
Ang Spurs, na may worst record sa Western Conference, ay nakakuha rin ng tig-19 points kina Devin Vassell at Tre Jones.
Warriors 127,
76ers 104
Nagtala si Andrew Wiggins ng 21 points at 10 rebounds upang bitbitin ang Golden State Warriors sa panalo kontra host Philadelphia 76ers.
Umiskor sina Klay Thompson at Jonathan Kuminga ng tig-18 points at nagdagdag si Lester Quinones ng 13 para sa Warriors. Gumawa si Stephen Curry ng 9 points lamang sa 25 minutong paglalaro.
Ang depleted Sixers ay naglaro na wala si reigning MVP Joel Embiid (knee) sa ika-4 na sunod na laro. Wala rin sina Nicolas Batum (hamstring), Robert Covington (knee) at De’Anthony Melton (back). Si Embiid ay sumailalim sa operasyon noong Martes upang i-repair ang lateral meniscus sa kanyang kaliwang tuhod at muling ie-valuate sa loob ng apat na linggo. Ang Philadelphia ay 4-12 na wala si Embiid ngayong season.
Nanguna si Ricky Council IV para sa 76ers na may 17 points, habang kumabig si KJ Martin ng 15 points at nagdagdag sina Patrick Beverley at Tobias Harris ng tig-13. Umiskor si Tyrese Maxey, na kuwestiyonable para sa laro dahil sa karamdaman, ng 12 points.