CELTICS PINISAK ANG BUCKS

IPINOSTE ni Jayson Tatum ang kanyang ika-5 sunod na 30-point game, pinangunahan ang Boston Celtics na may 41 tungo sa 139-118 Christmas Day win kontra bisitang Milwaukee Bucks noong Linggo ng gabi.

Nagtuwang sina Tatum at Jaylen Brown (29 points) para sa 70 points sa isang laro sa ika-8 pagkakataon sa kanilang careers. Nag

Nagdagdag si Tatum ng 7 rebounds, 5 assists at 3 steals at nagwagi ang Boston ng back-to-back games.

Umiskor din sina Derrick White, Grant Williams at Al Horford ng double figures, tinulungan ang Boston na bumuslo ng 19 of 39 mula sa 3-point range. Nagbigay si Marcus Smart ng 8 assists.

Nagbuhos si Giannis Antetokounmpo ng team-high 27 points, habang tumapos si Jrue Holiday na may 23, umiskor sinBrook Lopez ng 16 at nagdagdag si Massachusetts native Pat Connaughton ng 15 sa apat na 3-pointers sa ikatlong sunod na kabiguan ng Milwaukee.

76ers 119, Knicks 112

Tumipa si Joel Embiid ng 35 points at 8 rebounds, nag-ambag si James Harden ng 29 points at 13 assists at dinispatsa ng Philadelphia ang host New York.

Nagdagdag si Georges Niang ng 16 points at nagtala si De’Anthony Melton ng 15 para sa Sixers, na nanalo ng walong sunod na wala si injured guard Tyrese Maxey.

Nanguna si Julius Randle para sa Knicks na may 35 points at 8 rebounds habang nagdagdag si Jalen Brunson ng 23 points at 11 assists. Nagtungo si Brunson sa locker room, may 3:59 ang nalalabi sa fourth quarter na may undisclosed injury at hindi na ipinasok pa.

Mavericks 124, Lakers 115

Kumana si Luka Doncic ng 32 points, kumalawit ng 9 rebounds at nagbigay ng 9 assists, at na-outscore ng Dallas ang bisitang Los Angeles ng 30 points sa third quarter upang makontrol ang laro.

Tangan ng Lakers ang 54-43 lead sa halftime sa likod ng mainit na simula ni LeBron James, ngunit nagbigay sila ng season-high 51 points sa Mavericks sa krusyal na third quarter. Tumapos si James na may 38 points, 6 rebounds at 5 assists.

Nagsalansan si Christian Wood ng 30 points, 8 rebounds, 7 assists at 4 steals, at bumuslo si Tim Hardaway Jr. ng 6 of 14 mula sa arc tungo sa 26 points para sa Mavericks.