DINUROG ng Boston Celtics ang Miami Heat, 118-84, upang makumpleto ang 4-1 series victory at umabante sa second round ng NBA playoffs.
Naiganti ng postseason top seeds, na sinilat ng Miami Eastern Conference finals noong nakaraang taon, ang naturang pagkatalo sa spectacular fashion sa pamamagitan ng one-sided wire-to-wire rout sa TD Garden.
Umiskor sina Jaylen Brown at Derrick White ng tig- 25 points upang pangunahan ang Boston, na hindi ininda ang pagliban ni njured Kristaps Porzingis.
Nag-init agad ang Celtics sa first quarter, nakalikom ng 41 points upang itarak ang 18-point advantage.
Pinalobo nila ang kalamangan sa 22 points sa half-time, at napanatili ang pressure sa third quarter upang lumamang sa 98-66 papasok sa final frame.
Sinabi ni Boston head coach Joe Mazzulla na hindi iniisip ng Celtics ang series loss sa Miami noong nakaraang taon.
“I don’t really worry about what happened last year,” sabi ni Mazzulla. “At the end of the day I liked how we approached the series, regardless of who they were playing.
“It had an intentionality to it, had attention to detail, and had a consistent physicality,” dagdag pa niya.
“And that’s the most important thing, regardless of who we’re playing. We wake up tomorrow and we’ve got to do it all over again versus another team.”
Makakasagupa ng Boston ang fourth-seeded Cleveland Cavaliers o fifth seeds Orlando sa Eastern Conference semifinals. Abante ang Cleveland sa series, 3-2.
Ang 25-point haul ni White ay kinabilangan ng limang three-pointers habang nagdagdag si Jayson Tatum ng 16 points, 12 rebounds, at 3 assists.
Nag-ambag si Sam Hauser ng 17 points mula sa bench habang nagtala rin si Jrue Holiday ng double figures na may 10 points.
Mavericks 123,
Clippers 93
Nagbuhos si Luka Doncic ng 35 points at nagbigay ng 10 assists at lumapit ang bisitang Dallas Mavericks sa Western Conference semifinals kasunod ng panalo kontra Los Angeles Clippers sa Game 5.
Nag-ambag si Maxi Kleber ng 15 points para sa Mavericks na kinuha ang 3-2 lead sa best-of-seven series. Ang Game 6 ay nakatakda sa Biyernes sa Dallas.
Umiskor sina Jaden Hardy at Kyrie Irving ng tig-14 points para sa Mavericks. Tumipa sina Dereck Lively II at Derrick Jones Jr. ng tig-12.
Tumapos si Paul George na may 15 points at 11 rebounds at gumawa rin si Ivica Zubac ng 15 points para sa Clippers, na naglaro sa ikatlong pagkakataon sa series na wala si Kawhi Leonard (right knee inflammation). Ito ang unang pagkakataon na natalo ang Los Angeles na wala ang star.
Nagposte si Norman Powell ng 14 points habang gumawa sina Terance Mann at Bones Hyland ng tig-11 para sa Los Angeles, subalit nalimitahan si James Harden sa 7 points at 7 assists. Bumuslo si Harden ng 2-for-12 (16.7 percent) mula sa floor at 1-for-7 mula sa 3-point range makaraang kumamada sila ni George ng tig-33 points sa panalo sa Game 4.