CELTICS SA KRUSYAL NA PANALO

Celtics

KUMAMADA si Jason Tatum ng 22 points at nag-ambag si Gordon Hayward ng 21 sa kanyang pagbabalik sa Indian-apolis noong Biyernes ng gabi upang pangunahan ang  Boston Celtics sa krusyal 117-97 panalo laban sa Pacers.

Binasag ng Celtics ang pagtatabla sa Indiana  para sa No. 4 seed sa East at kinuha ang  two-game lead sa paghahabol sa home-court advantage dahil nagwagi sila sa season series 3-1 – nagbigay rin sa kanila ng tiebreaker.

Ang Boston ay gumagawa rin ng  postseason momentum na may tatlong sunod na panalo at lima sa huling anim na laro.

Naputol ang two-game winning streak ng Indiana. Nanguna si Myles Turner para sa  Pacers na may 15 points at 7 rebounds, habang umiskor sina  Domantas Sabonis at Tyreke Evans ng tig-12.

NUGGETS 119, TRAIL BLAZERS 110

Naitala ni  Nikola Jokic ang 10 sa kanyang  22 points sa fourth quarter, tumapos si Paul Millsap na may 25 points, at kinuha ng Denver ang  Northwest Division title.

Nagdagdag si Jokic ng 13 rebounds at 9  assists upang igiya ang  Nuggets sa kanilang unang division title sa anim na taon. Gumawa si Jamal Murray ng  23 points at nakalikom si Torrey Craig ng 18 points at 7 rebounds mula sa bench para sa  Denver.

WARRIORS 120,

CAVALIERS 114

Nagbuhos si Stephen Curry ng  40 points upang umangat sa third place sa career list ng Golden State sa panalo kontra Cleveland.

Tumipa si Draymond Green ng 20 points at 8 rebounds, nagdagdag si Kevin Durant ng 15 points at 8  assists, at nagtala si Quinn Cook ng 14 upang tulungan ang Warriors (55-24) na makalapit sa pagkopo ng Western Conference sa kanilang second-to-last regular season game sa Oracle Arena.

LAKERS 122,

CLIPPERS 117

Kumana si Alex Caruso ng career-high 32 points at nagdagdag si Kentavious Caldwell-Pope ng 25 points upang pangunahan ang Lakers laban sa playoff-bound Clippers.

Naitala ni Rajon Rondo ang 11 sa kanyang 15 points sa fourth quarter noong siya ang pinaka-beterano na nasa floor para sa Lakers. Nag­dagdag siya ng  12 assists.

2 thoughts on “CELTICS SA KRUSYAL NA PANALO”

  1. 555125 154921Typically I do not read write-up on blogs, even so I wish to say that this write-up extremely forced me to take a look at and do so! Your writing taste has been amazed me. Thanks, very wonderful post. 62085

  2. 804422 935516Basically received my first cavity. Rather devastating. I would like a super smile. Looking a lot more choices. A lot of thanks for the write-up 697054

Comments are closed.