NAGBUHOS si Jaylen Brown ng 32 points upang pangunahan ang Boston Celtics sa 120-95 panalo laban sa bisitang Cleveland Cavaliers sa Game 1 ng Eastern Conference semifinals noong Martes.
Isinalpak ni Derrick White ang 7 sa 12 3-point attempts at nagdagdag ng 25 points para sa Celtics, na may 55-38 edge sa rebounding. Nag-ambag si Jayson Tatum ng 18 points at 11 rebounds, subalit may masamang shooting night. Nagtala si Tatum ng 7 of 19 mula sa field, kabilang ang 0 for 5 mula sa 3-point territory.
Nakakolekta si Boston’s Payton Pritchard ng 16 points, tumipa si Jrue Holiday ng 13 points at kumalawit si Luke Kornet ng 10 rebounds.
Nanguna si Cleveland’s Donvan Mitchell sa lahat ng scorers na may 33 points. Kumalawit din si Mitchell ng 6 rebounds at 5 assists.
Nakakuha ang Cavaliers ng 17 points at game-high 13 rebounds mula kay Evan Mobley. Tumapos si Darius Garland na may 14 points, at umiskor si Isaac Okoro ng 11.
Hindi naglaro si Jarrett Allen, ang starting center ng Cleveland, sa ika-4 na sunod na pagkakataon dahil sa rib injury. Si Allen ay may average na 17.0 points, 13.0 rebounds at 1.3 assists sa 31.7 minutes per game sa unang apat na laro ng first-round series ng Cleveland laban sa Orlando Magic.
Nakatakda ang Game 2 sa best-of-seven series sa Huwebes sa Boston.
Tulad ng inaasahan ay hindi naglaro para sa Celtics si center Kristaps Porzingis dahil sa strained right calf. Umangat ang Celtics sa 24-4 sa mga larong wala si Porzingis ngayong season.
Abante ang Boston sa 40-34 matapos ang isang quarter at 59-49 sa halftime. Tatlong beses na lumamang ng 13 points ang Celtics sa second quarter.
Thunder 117,
Mavericks 95
Kumana si Shai Gilgeous-Alexander ng 29 points, 9 rebounds at 9 assists upang pagbidahan ang Oklahoma City Thunder sa panalo kontra bisitang Dallas Mavericks sa Game 1 ng kanilang Western Conference semifinal series.
Bumuslo si Gilgeous-Alexander ng 8 of 19 mula sa floor subalit 11 of 13 mula sa free-throw line sa kanyang unang career second-round playoff game.
Ang Thunder ay naging pinakabatang koponan sa kasaysayan ng NBA na nagwagi sa isang conference semifinal game.
Umiskor si Kyrie Irving ng 19 points at tumapos si Luka Doncic na may 19 points at 9 assists para sa Dallas.
Nagposte si Oklahoma City’s Chet Holmgren ng 19 points, 7 rebounds at 3 blocks, nagdagdag si Williams ng 18 points at umiskor si Aaron Wiggins ng 16 mula sa bench, kabilang ang 12 sa second quarter.
Umiskor ang Thunder ng 22 points mula sa 16 turnovers ng Dallas.
Bumuslo ang Mavericks ng j39.3 percent lamang mula sa field, habang angThunder ay nagsalpak ng 44.9 percent.
Nakatakda ang Game 2 sa Huwebes sa Oklahoma City.