CELTICS UMANGAT SA NO. 1 SPOT SA EAST

NBA

BINALEWALA ng Boston Celtics ang pagliban nina Kristaps Porzingis at Jaylen Brown upang pataubin ang Philadelphia 76ers at kunin ang top spot sa Eastern Conference nitong Miyerkoles.

Nanguna si Jayson Tatum para sa Boston na may 29 points habang nag-ambag si Derrick White ng 27 upang bigyan ang Boston ng 117-107 panalo sa road sa Philadelphia.

Sa panalo ay umangat ang Boston sa first place sa Eastern Conference standings sa 9-2, habang nahulog ang Sixers sa 8-3.

“Top to bottom we’ve got a lot of guys who can do a lot of good things,” sabi ni White, na umiskor ng 14 sa fourth quarter upang igiya ang Celtics sa panalo.

“I’ve been pretty bad the past couple of games, I just wanted to go out there and compete and do what I do and make some shots,” dagdag ni White.

Labing-isang beses na nagpalitan ng kalamangan ang dalawang koponan, kung saan naitarak ng Boston ang 17-point lead sa kaagahan ng second quarter.

Gayunman ay sumagot ang Sixers upang matikas na tapusin ang first half at kunin ang 58-57 lead sa break.
Subalit bumawi ang Boston sa third period at na-outscore ang Philly, 26-17, upang kunin ang decisive eight-point lead papasok sa fourth quarter.
Bucks 128,
Raptors 112
Nagbuhos si Damian Lillard ng 37 points, 13 assists at 4 rebounds upang pangunahan ang Milwaukee Bucks sa panalo kontra Toronto Raptors.
Nakontrol ng Milwaukee, hindi nakasama si injured Giannis Antetokounmpo, ang laro makaraang kunin ang kalamangan sa kaagahan ng first quarter, at umabante ng hanggang 33 points sa third quarter.
Si Lillard ay sinuportahan ng 30 points ni Malik Beasley, na nagsalpak ng walong three-pointers. Nagdagdag sina Bobby Portis ng 18 mula sa bench at Khris Middleton ng 11 para sa Bucks na umangat sa 7-4 sa season.
Pinangunahan ni Scottie Barnes ang scorers ng Toronto na may 29 points.
Mavericks 130, Wizards 117
Tumabo si Tim Hardaway Jr. ng 31 points at nagdagdag si Luka Doncic ng 26 points upang tulungan ang Dallas Mavericks na dispatsahin ang Washington Wizards sa road.
Magic 96, Bulls 94
Sa Chicago, isinalpak ni Paolo Banchero ang last-gasp jump shot, may isang segundo ang nalalabi, upang buhatin ang Orlando Magic sa panalo kontra Bulls.
Tumapos si Banchero na may 17 points mula sa 4-of-12 shooting sa low-scoring game.
Nanguna si Zach LaVine para sa Chicago ns may 19 points.