CELTICS WINALIS ANG PACERS

CELTICS vs PACERS

NAGBUHOS si Gordon Hayward ng 20 points at sinindihan ni Marcus Morris ang decisive three-point flurry sa hu­ling bahagi ng fourth quarter upang bigyan ang  Boston Celtics ng series-clinching 110-106 victory laban sa Indiana Pacers.

Ito ang unang  four-game sweep para sa Celtics magmula noong  2011 at ang kanilang ikalawa buhat noong 1986-87. Ang Bos-ton ang unang koponan na umabante sa second round ng playoffs.

Tumapos si Bojan Bogdanovic na may 22 points at kumana si Tyreke Evans ng playoff career-high na 21 points upang ­pangunahan ang Pa­cers. Subalit hindi ito sapat para mapigilan ang Indiana sa paglasap ng ikalawang first-round sweep sa loob ng tatlong taon.

Samantala, nagpasabog si Kevin Durant ng 33 points upang pangunahan ang bumibisitang Golden State Warriors na pataubin ang Los Angeles Clippers,  113-105, sa Game 4 ng Western Conference first-round series noong Linggo ng hapon.

Makaraang magwagi sa parehong laro sa Los Angeles, tangan ng Warriors ang 3-1 series lead papasok sa  Game 5 sa Miyerkoles ng gabi sa Oakland, Calif.

Naitala ni Klay Thompson ang 27 sa kanyang 32 points sa first half para sa  Warriors. Nagposte si Stephen Curry ng 3-for-14, kabilang ang  1-for-9 mula sa  3-point range,  at tumapos na may 12 points, 10 rebounds at 7 assists.

Tumirada si Shai Gilgeous-Alexander ng season-high 25 points para sa Clippers.

Umiskor si Danilo Gallinari ng 16 matapos ang scoreless first quarter, gumawa si Patrick Beverley ng 12 points at team-high 10 rebounds, at nagtala si Lou Williams ng  12 mula sa bench para sa Los Angeles.

Sa iba pang laro, humataw si Kawhi Leonard ng  34 points — 12 sa third quarter – nang ilampaso ng bumibisitang Toronto Rap-tors ang Orlando Magic,  107-85, noong Linggo ng gabi upang kunin ang 3-1 bentahe sa first-round playoff series.

Maaaring kunin ng Raptors ang best-of-seven series sa Martes sa isa pang panalo sa Game 5 sa Toronto.

Nagdagdag si Pascal Siakam ng 16 points para sa Toronto,  habang gumawa si Norman Powell ng 16 points at nag-ambag si Serge Ibaka ng 13 points at 8 rebounds. Tumipa si Kyle Lowry ng 9 points at 9 assists.

Tumipa si Aaron Gordon ng  25 points at 7 rebounds, habang nagdagdag sina Evan Fournier ng 19 points at Nikola Vucevic ng 11 points para sa Magic.

Sa Oklahoma, bumanat si C.J. McCollum ng 27 points at nagdagdag si  Damian Lillard ng 24  nang ­igupo ng Portland Trail Blaz-ers ang Oklahoma City Thunder, 111-98.

Ang panalo ay nagbigay sa Blazers ng 3-1 lead sa kanilang Western Conference playoff series. May pagkakataon ang Portland na tapusin ang serye sa home sa Martes.

Ang panalo ay pumutol sa eight-game road playoff losing streak ng  Blazers at nagbigay sa road teams ng 8-0 record nitong weekend sa NBA playoffs.

One thought on “CELTICS WINALIS ANG PACERS”

Comments are closed.