CELTS AYAW PAAWAT

celtics2

NAGTUWANG sina Marcus Morris at Jayson Tatum sa pagkamada ng 52 points nang maitala ng kulang sa taong Boston Cel­tics ang ika-6 na sunod na panalo makaraang gapiin ang bumibisitang New Orleans Pelicans, 113-100, noong Lunes ng gabi.

Tumipa si Morris ng 31 points at nagdagdag si Tatum ng 21 upang pangunahan ang Celtics. Limang players ng Boston ang hindi naglaro dahil sa injury o illness, kabilang sina Al Horford (knee), Kyrie Irving (shoulder) at Gordon Hayward (illness).

Umiskor si Jaylen Brown ng 19, gumawa si Semi Ojeleye ng 11 at nag-ambag si Terry Rozier ng 10 para sa Celtics.

Nanguna si ­Anthony Davis para sa New Orleans na may 41 points, at kumabig si Julius Randle ng 20 points at 11 rebounds

76ERS 116,

PISTONS 102

Nagbuhos si Joel Embiid ng 24 points upang tulungan ang Philadelphia na pataubin ang bumibisitang Detroit.

Nagdagdag si Ben Simmons ng 18 points, 10 rebounds at 7 assists, habang tumipa si Furkan Korkmaz ng career-high 18 points, at gumawa si T.J. McConnell ng 14 para sa ­Sixers,  na ­umangat sa 14-1 sa home.

Kumamada si Luke Kennard ng career-high 28 points habang nagdagdag si  Andre Drummond ng 21 points at 17 rebounds para sa  Pistons, na nalasap ang ika-5 sunod na kabiguan. Nag-ambag si Reggie Jackson ng 15 points at 7 assists.

LAKERS 108,

HEAT 105

Tumirada si Kyle Kuzma ng 33 points, at nagdagdag si LeBron James ng 28 points, 9 rebounds at 12 assists nang palamigin ng Los Angeles ang bumibisitang Miami para sa ika-6 na panalo nito sa pitong laro.

Sa kanyang huling laro sa Los Angeles, at sa kanyang huling matchup laban sa kanyang dating teammate na si James, si Dwyane Wade ay kumolekta ng 15 points at 10 assists makaraang magposte ng 25 points noong Sabado sa road win ng Heat kontra Los Angeles Clippers.

WARRIORS 116, TIMBERWOLVES 108

Bumalik si Draymond Green mula sa 11-game absence sa pamamagitan ng solid all-around performance, at pinangunahan ni Stephen Curry ang atake sa 3-point range na may game-high 38 points upang pangunahan ang Golden State laban sa Minnesota sa Oakland, Calif.

Nag-ambag si Green ng 7 points, 10 rebounds at 7 assists sa ika-4 na sunod na panalo ng Golden State. Tumapos si Klay Thompson na may 26 points at gumawa si Kevin Durant ng 22 para sa Warriors.

Nanguna si Karl-Anthony Towns para sa Minnesota na may 31 points at game-high 11 rebounds. Nag-ambag sina Derrick Rose ng 21 points at Andrew Wiggins ng 20.

Sa iba pang laro: Thunder 122, Jazz 113; Clippers 123, Suns 119 (OT);

Bucks 108, Cavaliers 92; Mavericks 101, Magic 76; Pacers 109, Wizards 101; Nuggets 105, Grizzlies 99.